Cheap Tomas

Cheap Tomas I owe all my knowledge, talents and skills to the Lord.

Happy Labor day mga kabaro 😁 Kunwari madumi para kunwari masipag 😁
01/05/2024

Happy Labor day mga kabaro 😁

Kunwari madumi para kunwari masipag 😁

πŸ”§πŸ”©βš™οΈ
25/04/2024

πŸ”§πŸ”©βš™οΈ

As long as I'm doing and loving my work, I have nothing to worry about. ☝Share if you think the same πŸ’ͺ
23/04/2024

As long as I'm doing and loving my work, I have nothing to worry about. ☝

Share if you think the same πŸ’ͺ

Hello engineers and future engineers!To those who has experienced calculating bunker quantity will you comment down the ...
26/02/2024

Hello engineers and future engineers!

To those who has experienced calculating bunker quantity will you comment down the formulas you are using hanggang ngayon?

I am planning to make a video from the very basic principle of sounding until computing bunker quantity but I am confused with the formulas to use.

Base on my experience minsan hindi nag cocoincide ang computation natin sa mga surveyors during survey . Meron silang standards na sinusunod like they are using ASTM table 54B for volume correction factor and isa sa hindi ko mahanap na reference nila is itong saan nila kinuha ang constant na 0.0011 sa pag compute ng weight correction factor.

Base on my experience, one surveyor use this formula below and I am currently adapting also this method of calculation simula nagkaroon ako ng problema sa bunker survey during sa pagchange charterer namin.

Weight in air (MT) = Actual Observed Volume x Volume Correction Factor x Weight Correction Factor

or

MT = AOV x VCF x WCF

at ang pagcompute naman nila sa WCF in order to get the exact weight in air not in vacuum is:

WCF = Density @15 - 0.0011

at ang final na maging weight ng bunker quantity is weight in air na siya hindi na siya weight in vacuum.

Dati kasi ang tinuro sakin ng hepe ko is itong formula naman na ito.

Weight in MT = Observed Volume x Temperature Corrected Density

Kung saan ang pagcompute naman na ginamit sa Temperature Corrected Density ay:

TCD= Density @15 degrees celcius x [1-(Observed Temp-15) x Coefficient Factor]

At ang mostly ginagamit naman nila na coefficient factor ay 0.00064 or depende sa given density at 15 degrees celcius base on density correction factor na table. At itong table naman na ito is hanggang ngayon di ko rin makita ang reference nila.

At ito mostly nakikita ko ngayon na tinuturo ng mga hepe at even sa mga youtube tutorials.

Ang problema ko naman dito is during survey malayo ang diperensya

So ano po yung stand niyo about dito please comment po upang matapos ko na ang draft kung gagawin na vlog para sa pag calculate ng bunker quantity. Gusto ko kasi maexplain ng maayos at mas madaling maintindihan ng mga fellow at future engineers natin.

Share niyo naman experience niyo ukol dito.

Hihingin rin po natin ang idea ni Chief Yoi upang mas maliwanagan tayo ukol dito kung saan may mas mahabang experience satin. Ganun din sa isa nating kabarong engineer na matiyagang nagsishare ng kanyang knowledge Marine Engineer Playground

Napakaimportante kasi nito sa operation ng barko lalo na sa mga humahawak ng bunkering, bunker plannings, bunker calculation at during bunker surveys dahil if naiintindihan natin ito ng maigi ay hindi po tayo kayang dayain ng mga bunker suppliers at during interviews na din ng companies for promotions mas lamang tayo if naiexplain natin ito ng maayos.

24/02/2024

Mabilisang records po muna tayo habang tambay.

Para po sa nga kabaro kung makinista even sa mga taga kubyerta or kahit saan man tayong larangan ng ating profesyon lagi po nating isipin na pag may gusto po tayong pag aralan or matututunang bagay ay dapat magsimula po muna talaga tayo sa pinaka basic upang lubos po nating maiintindihan ang mga mas komplikadong bagay along the way.

At pag mag aral po tayo wag po basta lang sauluhin need po talaga nating intindihin dahil pag naiintindihan natin ang isang bagay ay kahit bale balentungin ka man ay kaya mong sagutin or ipaglaban.

Comment down your suggestions in the comments section

Open po for constructive critiscism.

Like & Follow
Cheap Tomas

Kabaro, huwag kang papayag sa sarili mo na hanggang maging ratings ka lang sa barko.Hindi nakakababa ang pagiging rating...
24/02/2024

Kabaro, huwag kang papayag sa sarili mo na hanggang maging ratings ka lang sa barko.

Hindi nakakababa ang pagiging ratings lang datapwat maganda na rin ang sahuran, gusto ko lang malaman mo na may ibubuga ka pa.
Alam ko na kaya mo dahil kinaya ko rin.

Alam ko gusto mo rin maging engineer kaso minsan nauunahan ka lang ng pagod, takot at mga negativities sa paligid.

Hindi rin talaga biro maging engineer dahil mas malaki ang responsibilidad natin. Pero kung nakaya ko ay mas kaya mo rin.

Isipin mo kung nasa barko ka, minsan kahit anong galing at talino mo sa trabaho, pag ratings at wala kang lisensya or hindi mo nilakad promotion mo hanggang jan ka lang talaga. Hindi aangat sahod mo minsan hanggang thank you lang sasabihin nila.
Gagamitin lang ng mga opisyal mo ang skills, talents at talino mo. Sila lang ang makikinabang sayo.

Dahil hangga't wala kang lisensya or d ka nag pursige sa promotion mo talong talo ka.

Isipin mo yung sahod mo sa sahod ng 4th engineer mo- doble or minsan triple. How about soon God-willing magiging 3rd, 2nd or Chief engineer kana.

Minsan ang buong sahod mo sa 9 months ay kikitain lang nila within 4-5 months.

Paano nalang pag naging hepe ka. Ang sahod ng ratings mo sa buong siyam na buwan kikitain mo lang ng dalawang buwan.

Alam ko the more you get higher sa position the greater the responsibility. Huwag kang matakot kabaro marami na akong kasamang bobo sa barko pero nakaya naman nila. Dahil sa barko basta maayos lang pakikisama mo hindi ka iiwan ng co-engineers mo.

Pero huwag kang maging bobong engineer kabaro dahil wala
naman talagang bobo eh, minsan tamad lang talaga tayo mag-aral.
Kung sa tingin mo ngayon ay alanganin ang kaalaman mo or confidence mo na maging engineer ay mag-aral ka. Sipagan mo ang pag-aaral. Triplehin mo ang effort mo. Huwag kang umasa na sa bawat barko mo ay may kasama kang kagaya ni Chief Yoi na buong pusong nagtuturo di ko nasubokan ang ganyan nung kadete pa ako. Lahat ng engineers ko walang pake sa akin hinahayaan lang ako kaya ang gagawin mo is mag self study ka dami na ngayong paraan matuto- google, youtube, fb at iba pa. Huwag ka lang talaga maging tamad kabaro.

Sa simula di mo agad kailangan na maging magaling. Kailangan mo lang ng basics at lakas ng loob. San mo ba makukuha ang basics? Sa simpleng pag-aaral muna at kunting experience. Along the way ay mas matutoto ka pa pag nandiyan ka na sa position mo.
Mas maging magaling kana. Dahil hanggat wala ka pa sa position di mo totally makakapa ang makinaryang hawak mo. Pag anjan ka na nakaakto ka na at nagkaproblema makinarya mo ay aba syempre hindi pwede nakaupo at kukuyakoy ka lang. Diba kalkal ka ngayon ng libro basa dito basa doon hanggang sa matroubleshoot mo makinarya mo. Tanong dito tanong doon hanggang sa makakuha ka ng idea sa mga seniors or kasama mo. Sa ganyang paraan marami kang madaanang kaalaman dahil gumagana utak mo lahat gagawin mo kasi nasa positon ka na at responsibilidad mo na yan. Kaya along the way experience ang magtuturo sayo.

Pag nandiyan ka na wag ka huminto mag-aral dahil continuous ang learnings natin bilang engineer hindi pwedeng kukuyakuyakoy nalang tayo, sigurado maiiwan tayo ng panahon pag ganyan.

So ngayon san ka naman kukuha ng lakas ng loob? Bukod sa pamilya mo, mga kaibigan mo, higit sa lahat ay sa Panginoon.

Sabi niya sa sa Proverbs 3:5-6

Magtiwala ka nang buong puso sa PANGINOON at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan.
Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.

As long as your trust is in the Lord, at patuloy kang nag aaral ginagawa mo ang best mo lagi ay di ka niya ipapahamak at bibiguin.

Pero minsan di ibig sabihin di nangyari ang gusto mo kahit binigay mo na lahat best mo lagi mo isipin na may mas magandang plano ang Diyos sayo.

Jeremiah 29:11
Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.

Huwag ka agad sumuko goy. Kung hindi ka man pinalad sa unang attempt mo, pause ka muna kausapin mo ang Diyos na lumikha sayo at balikan mo baka may kulang or may mali sa prosesong ginawa mo at saka sumubok ka uli.

Dapat maging ready tayo mga goy hindi rin pwedeng tanggapin natin ang promotions na kahit mismo basics ay di natin alam.

Dahil pag nakita ng Diyos na ready ka na ay ipopromote ka niya at walang makakahadlang sayo kahit sino.
Proven and tested ko na ang kabutihan ng Diyos mga goy.

Kaya kung applicable ito sa akin ay applicable din to sayo.
Kung kaya ko or kaya namin ay mas kaya mo rin.

Mahaba pa sana to mga goy pero dito nalang muna.
Sana ay magkaroon ka ng kunting palaisipan na magpursige na mapromote bilang engineer sa barko, magtake ng OIC license or asikasuhin mo lahat ng promotion requirements ng companay mo.

Sa ngayon nasa bakasyon pa ako at di pa ako makagawa ng videos sapagkat ang adhikain koy matulungan ang mga kadete or wiper or even baguhan na oilers sa mga basics na dapat meron tayo upang maging matagumpay tayong engineer sa hinaharap. At upang makita ng senior engineers natin na may taglay tayong kakayahan at ready tayo to handle sa next nating position.

Galing din ako sa position niyo at di rin ako kagalingan sa trabaho at marami din akong naging bulilyaso sa mga una kong akto pero sa awa ng Diyos nakasurvive ako at now God-willing sana next contract maging segundo na tayo.

Ngayon patuloy pa rin akong nag-aaral kaya mas gusto kung ishare ang mga natutunan ko sa buong pagbabarko ko dahil sa pamamagitan ng pagtuturo sa iba ay mas nagkakaroon ka ng space para sa bagong kaalaman. Mas natututo tayo mga goy kaya kung marunong at may alam ka wag mong ipagdamot sa iba lalo na sa lower ranks mo dahil magiging biyaya ka niyan para sa kanila. Mas lumalaki ang lawak ng iyong karunungan pag naging mapagbigay ka sa kong anong skills, experience or knowledge na meron ka.

PS. Habang nasa bakasyon kayo or nasa barko patuloy kayo mag aral. Panoorin niyo mga videos ni Chief Yoi.

Bilib ako sa adhikain niya. Yan ang gusto ko ring gawin makapagproduce tayo ng maraming engineers na makaakto dahil sa panahon ngayon kadalasan at hindi naman lahat ay ang mga puti or mga taga ibang lahi ay napakalayo sa kakayahan at abilidad ng mga Pinoy. Kung kinaya nila ay kaya rin natin.

LIKE & FOLLOW
Cheap Tomas

Please like and follow our page for someday you will gonna unwind or stay here too.Please support mga kabaro. Salamat po...
24/02/2024

Please like and follow our page for someday you will gonna unwind or stay here too.

Please support mga kabaro. Salamat po :)

🌟 Welcome to Visor Staycation! 🌟

Looking for a cozy condo unit for a relaxing staycation? You're in the right place! Visor Staycation offers short-term rentals perfect for those seeking a comfortable and convenient getaway. Whether you're planning a weekend retreat or a midweek break, our units are equipped to make your stay enjoyable.

Stay tuned for updates on availability and special offers! Feel free to message us for inquiries or bookings. Your perfect staycation awaits at Visor Staycation! 🏝️🏠

🌟 Welcome to Visor Staycation! 🌟

Looking for a cozy condo unit for a relaxing staycation? You're in the right place! Visor Staycation offers short-term rentals perfect for those seeking a comfortable and convenient getaway. Whether you're planning a weekend retreat or a midweek break, our units are equipped to make your stay enjoyable.

Stay tuned for updates on availability and special offers! Feel free to message us for inquiries or bookings. Your perfect staycation awaits at Visor Staycation! 🏝️🏠

23/01/2024

While on vacation it's either you will spend time with your family or a bit enhance your skills.

Use whatever skills, talent and abilities you have to serve others.

And always remember to serve with a joyful heart.

Hello future engineers!

19/12/2023

Lord, make my eyes and my whole life sharply focus on you not to be destructed by the ways and luxuries of this world.

12/12/2023

Sometimes we have to be jolly or bring humors and build up bonds and establish relationships with our colleagues at work.

Don't be so serious all the time, mabilis tayo mapanot niyan ma frend πŸ˜†

Kapag naging close mo ang katrabaho mo madali mo lapitan, madali mong matanungan wag mo lang agad utanganπŸ˜†

Alam mo ba bilang baguhan sa trabaho, mas mabilis kang matuto pag naging close at kaibigan mo lahat?

Kaya huwag kang palaging nakasimangot, dapat lagi kang approachable, smile lang kahit minsan pagodπŸ˜„

11/12/2023

Sa trabaho minsan bihira lang ang makasama ng amo or higher ranks na mabait at buong pusong nagtuturo.'

Kaya kung makasama ka man ng ganun, mahalin mo at huwag mong abusuhin.

Mas mapapabilis ang learnings at pag-angat mo sa trabaho pag yan makakasama mo.

Address

San Jose
Talibon
6325

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cheap Tomas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Cheap Tomas:

Share