Bayaw Drex - AB Engr.

Bayaw Drex - AB Engr. Engineering freelancing & SolidWorks content for Filipino engineers

22/05/2026

ENGINEERS, THIS IS YOUR SIGN 👷‍♂️

Dati, designing was just one of my many responsibilities as an engineer.
Ngayon, I built a career around ONE valuable skill—and it opened opportunities to work with multiple international clients remotely.

You don’t need to master everything agad.
Sometimes, one skill done consistently can change your career path. 🚀

Whether SolidWorks, GIS, Automation, CAD, or any engineering skill man yan—start now.
Kailangan mo lang magsimula.

Check the Engineer Waiting List sa comment section para ma-notify sa susunod naming live Q&A 👀

29/04/2026

Thank You for Joining!

Maraming salamat sa lahat ng sumama, nakinig, at nagtanong sa ating live Q&A session ⚙️💻

Sana may mga natutunan kayo at nakatulong ito para magkaroon kayo ng mas clear na direction sa pag-aaral ng SolidWorks at engineering freelancing.

Thank you, and see you on the next one! 👀🔥

28/04/2026

Anong Software ang Gamit Ko for Realistic Renders?

For realistic renders, ang software na ginagamit ko is KeyShot.

Ito ang gamit ko para makagawa ng mas realistic na presentation ng models — mas maganda ang lighting, materials, at overall visual output, lalo na kung gusto mong gawing mas professional tingnan ang project mo.

Malaking tulong ito lalo na kung gusto mong i-present nang maayos ang design mo sa portfolio, sa clients, or kahit sa personal projects mo.

27/04/2026

May Relevance Ba ang AutoCAD sa Pag-aaral ng SolidWorks?

Nasa Q&A part tayo, at isa sa mga tanong ay:

“May relevance ba na alam mo ang AutoCAD para matuto ka ng SolidWorks?”

Ang sagot ko:
Yes, may relevance naman — pero hindi siya required para matuto ka ng SolidWorks.

Kung marunong ka na sa AutoCAD, may advantage ka kasi mas familiar ka na sa technical drawings, dimensions, at sa general idea ng engineering design workflow.
So in a way, makakatulong siya sa pag-adjust mo.

Pero kahit wala kang background sa AutoCAD, puwede ka pa ring matuto ng SolidWorks as long as may tamang foundation at clear learning path ka.

Magkaiba man sila ng approach, pareho pa rin silang useful tools sa design field.
Ang importante ay maintindihan mo ang basics at kung paano gamitin ang SolidWorks nang tama step by step.

Stay tuned sa next parts ng live Q&A 👀⚙️

26/04/2026

May Training Ba Kaming I-o-offer?

Nasa Q&A part tayo, at isa sa mga tanong ay:

“May training ba kayong ino-offer para sa katulad namin na gustong matuto ng SolidWorks?”

Ang sagot ko:
Soon, meron.

Sa ngayon, inuunti-unti pa lang namin i-identify kung ano talaga ang mga gustong matutunan ng mga engineers para mas maging specialized at mas relevant ang topics ng training na io-offer namin soon.

Ayaw namin gumawa lang ng generic na training.
Ang goal namin is makabuo ng training na mas tugma sa actual needs, common struggles, at specific direction na kailangan ninyo sa pag-aaral ng SolidWorks at engineering freelancing.

So yes, may plano — at gusto naming siguraduhin na pag inilabas namin ito, mas magiging helpful at mas aligned talaga sa inyo.

Stay tuned sa next parts 👀⚙️

25/04/2026

How to Set Your Rates as a Beginner

Nasa Q&A part tayo, at isa sa mga tanong ay:

“How do you set your rates?”

Ang sagot ko:
Kung beginner ka pa lang, puwede kang magsimula around $3–$8/hr.

Habang tumatagal at habang dumadami ang experience mo, gumagaling ang skills mo, at mas kaya mo nang mag-deliver ng quality work, doon mo rin puwedeng unti-unting i-increase ang rates mo.

Normal lang na hindi agad mataas ang rate sa simula.
Ang importante ay makakuha ka muna ng experience, ma-build ang portfolio mo, at mas maging confident ka sa value na kaya mong i-offer.

As you grow, your rate should grow too.

Stay tuned sa next parts ng live Q&A 👀⚙️

24/04/2026

Flexible Ba ang Time sa Freelancing?

Nasa Q&A part tayo, at isa sa mga tanong ay:

“Flexible po ba ang time in freelancing?”

Ang sagot ko:
Yes, but still depende sa client

May mga client na need mag-clock in and out, lalo na kapag full-time ang setup mo. So kahit freelancing, may structure pa rin ang working hours depende sa client.

Pero kung project-based ang work, mas flexible talaga ang time mo.
Basta ma-deliver mo ang task on time at ma-meet mo ang expectations ng client, mas may freedom ka kung kailan mo gagawin ang work.

So in short:
Full-time freelance = puwedeng may fixed hours or clock in/out
Project-based freelance = mas flexible ang schedule

Kaya importante rin na maintindihan mo muna kung anong setup ang papasukan mo, para alam mo kung gaano ka-flexible ang time mo.

Stay tuned sa next parts ng live Q&A 👀⚙️

23/04/2026

Hinahanap Ba ng Clients ang Certificate?

Nasa Q&A part tayo, at isa sa mga tanong ay:

“Naghahanap po ba ng certificate from SolidWorks or AutoCAD ang client during application?”

Ang sagot ko:
No. Usually, ang hinahanap talaga ng client ay hindi certificate — kundi kung may skills ka ba para ma-deliver ang task with efficiency.

Sa freelancing at real client work, mas importante sa kanila kung kaya mong gawin ang kailangan nila, maayos ang output mo, at efficient kang magtrabaho.
That’s why mas mahalaga ang actual skills, portfolio, at quality of work kaysa papel lang.

Helpful ang certificate, pero hindi iyon ang pinaka-main factor para ma-hire ka.
Sa dulo, ang mas tinitingnan pa rin ng clients ay:
“Kaya ba nitong gawin ang task?”

Stay tuned sa next parts ng live Q&A 👀⚙️

22/04/2026

Ano ang Usual Projects na Pinapagawa ng Clients?

Nasa Q&A part tayo, at isa sa mga tanong ay:

“Ano ang usual projects na pinapagawa sa’yo ng clients?”

Ang sagot ko:
Usually, fabrication drawings ang pinaka-common na pinapagawa ng clients sa akin.

Ito ’yung mga projects na kailangan ng clear and detailed drawings para magamit sa actual fabrication process.
Kaya mahalaga rin na hindi lang marunong sa 3D model — dapat marunong ka rin gumawa ng maayos na drawings na ready for real-world application.

Dito mo rin makikita na ang SolidWorks ay hindi lang pang-practice o pang-school use lang.
Talagang nagagamit siya sa actual client work, especially sa mga project na related sa fabrication.

Stay tuned sa next parts ng live Q&A 👀⚙️

21/04/2026

Anong Laptop Specs ang Pwede for SolidWorks?

Nasa Q&A part na tayo, at isa sa mga tanong ay:

“Ano po ang specs ng laptop na pwede gamitin for SolidWorks?”

Ang sagot ko:
For practice and learning, okay na ang at least i3 para makapagsimula ka at ma-practice mo ang basics.

Pero kung ang goal mo ay freelancing at makipag-work na sa actual clients, mas okay na mag-invest sa higher specs.
Why? Kasi mas mabibigat na files, mas complex na projects, at mas importante ang smooth workflow kapag real client work na ang hawak mo.

So yes, puwedeng magsimula sa basic setup for learning.
Pero kung gusto mo ng mas stable at mas efficient na work experience for freelancing, go for better specs kapag kaya na.

Stay tuned sa next parts ng live Q&A 👀💻⚙️

Address

Tagum City
8100

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bayaw Drex - AB Engr. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Bayaw Drex - AB Engr.:

Share