Philippine Industrial Relations Society (PIRS, Inc.)

Philippine Industrial Relations Society (PIRS, Inc.) Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Philippine Industrial Relations Society (PIRS, Inc.), 36 Day Lily Street , Lillesville II Subd. , Camarin, Quezon City.

23/11/2025
23/04/2025

Ano pong masasabi nyo sa pamamalakad ni Marcos Sr nung mga panahong yon?

Prof. Jorge V. Sibal, UP SOAIR

Sang-ayon sa sinulat kong research article na pinamagatang “Macro-Economic and Political Analysis of the Philippines”, ang Pilipinas ay dumaan sa mga sumusunod na yugto ng pag-unlad ng ekonomiya.

Mga Yugto ng Pag-unlad ng Economiya ng Pilipinas

1. 1946-59- Pagkatapos ng World War II
Ang Pilipinas ay ang ikalawang bansa na mabilis umunlad sa Asya kasunod ng Japan. Ang tawag dito ay “Post War Rehabilitation and Import Substitution Period”.

Naging maunlad ang Pilipinas dahil sa tatlong dahilan-

a. Ang pagtatayo ng mga tertiary assembly-line production industries na protektado ng pamahalaan at ang mga inputs ay mangagaling sa U.S. Sa apat na mga bagong industriya naitatag noon, isa lang ang pag-aari ng mga Pilipino at ang tatlo ay pag-aari ng mga Amerikano dahil binigyan sila at ang kanilang mga negosyo ng pantay na karapatan o parity rights tulad ng mga Pilipino. Ang tertiary level ng produksyon ay katulad ng pagproseso ng niyog o kopra para magawang langis ng niyog. Ito ay dadalhin sa America para makagawa ng mga higit na mataas na halaga at ibebenta sa ibang mga bansa tulad ng sabon, toothpaste, at iba pa.

b. Nagbigay ng mga post war rehabilitation aid ang USA para magawang muli ang mga nasira sa digmaan. Ganoon din ang tulong ng Japan.

c. Dahil sa import substitution, lumakas ang produksyon ng mga local na produkto lalo na sa agrikultura, nadagdagan ang mga nagtatrabaho. Mula 1949-1959, ang GDP ay tumataas ng taunang average na 7.4%. Ang ambag ng manufacturing sa GDP ay 16.2% noong 1949 at ito ay halos lumaki sa 25% noong 1959. (Lim, J. and M. Montes)

Sa kabilang banda, hindi nanatili ang pag-unlad ng bansa dahil sa mga sumusunod na mga sagka-

a. Transfer pricing na naging gawain ng mga dayuhang negosyante para palakihin ang tubo ng mga mother companies nila na gumagawa ng mga high value inputs mula sa secondary at primary assembly processes. Ginagawa nila ito para hindi makopya ng mga ibang negosyante ang kanilang mga matataas kaalaman at teknolohiya.

b. Dahil sa sobrang proteksyonismo, nagkakartel ang mga lumalaking industriya at nababawasan ang kompetisyon kaya hindi lumalakas ang eksportasyon ng mga local na produkto dahil sa kakulangan nila ng mataas na kalidad. Sinosolo nila ang local na palengke dahil sa proteksyon mula sa pamahalaan.

c. Nanatili sa mga mamamayan ang colonial mentality at pagbili ng mga imported na mga produkto. Namamaliit tuloy ang mga gawa ng mga Pilipino.

d. Nanatili din ang pagdami ng mga tradisyunal na pulitiko na karamihan ay mga haciendero o landlords. Lalong nadebelop ang kronismo, kurapsyon o sabwatan ng mga negosyante at pulitiko.

e. Hindi naipatupad ng tama ang komprehensibong reporma sa lupa na limitado lamang sa palay at mais. Maraming mga rural bank ang nalugi at ang mga magbubukid ay halos hindi nakabayad ng pagkakautang. Hindi ito tulad ng reporma sa sa lupa sa Taiwan at Japan na mabilis na nipatupad ang reporma sa lupa ng ilang mga taon lamang.

2. 1960-71- Decontrol at Limitadong Trade Liberalization Period-

Nang maging Presidente si Ferdinand Marcos Sr. noong 1965, hindi niya binago ang mga pamamalakad ng mga nakaraang administrasyon. Lumalala na ang krisis sa enerhiya kaya nag-kartel ang mga taga gitnang silangan Asya at lalong tumindi ang kakulangan ng mga reserbang dolyar ng Pilipinas. Nangutang sa IMF standby loan facilities ang administrasyon ni Presidente Marcos Sr.

Humina ang halaga ng piso habang ang manufacturing ay bumaba ang taunang pag-unlad na 5% mula 1962-1969. Ang naidagdag ng manufacturing sa GDP ay mababa pa sa 25%. Ang lumalalang energy crisis ng dekada 70s ay nagtulak sa malawakang protesta ng mga estudyante. Ginawa itong dahilan ni President Marcos Sr. na may 2 termino na lamang upang makapag magdeklara ng Martial Law noong Setyembre 1972.

Limitadong trade liberalization ang ipinatupad ng administrayong Martial Law at ang piso ay na devalued. Humina ang manufacturing sa average annual growth rate na 5% mula 1962-1969 at ang naibabahagi nito sa GDP mas mababa sa 25%.

3. 1872-85- Martial Law at Post Martial Law Period-

High debt-driven industries, trade liberalization at economic slowdown ang mga nangyari. Dahil sa Martial Law at wala na ang Kongreso, lalo pinalaki ni Presidente Marcos Sr. ang pag-utang sa IMF. Ipinangako niya na para ito makabol ang Pilipinas sa mga bagong NICs tulad ng Taiwan, South Korea, Hongkong, at iba pa. Mula 1973-75, ang naidagdag ng manufacturing sa GDP ay tumaas sa 28%. Dahil mas pinakinabangan ito ng mga negosyo ng estado at ng mga kroni, ang naging resulta nito ay pagbagsak ng ekonomiya sa 1984. Sa kabilang banda, nalagpasan na ng mga kalapit bansa ng Pilipinas ang mga sumusunod- Indonesia bago mag 70s, Thailand sa 80s, at Malaysia at Singapore, 90s.

4. 1986-kasalukuyan- Globalization at Pagpapatupad ng Financial at Trade Liberalization at Privatization ng mga State Enterprises

Mula sa assembly line operations, patungo na tayo sa knowledge-based adjustments para sa survival, growth at competitiveness ng mga local na negosyo.

[ ] Ano po yung masasabi nyong mga diperensya sa panahon ngayon kumpara sa panahon ni Marcos Sr.?

Mahirap na ipagkumpara sina Marcos Sr. at Marcos Jr. Si Marcos Sr. ay natapos na at hindi na mababago ang mga nagawa niya. Nakabaon na sa isipan ng mga tao ang mga kasaysayan at hindi na ito mababago kahit ano mang propaganda ang gawin ng ilan.

Si Marcos Jr. ay buhay pa at hindi pa natin masasabi ang mga mangyayaring gagawin niya. Mas banayad naman si Marcos Jr. kaysa sa ama niya. Tila nakikinig naman siya mga taong may tamang pag-iisip. Kahit na hindi ko siya pinili, siya na ang Presidente ng Pilipinas at sana magabayan siya ng mga taong may pagmamahal sa ating bayan lalong na ang mga nakararaming mahihirap.

[ ] Ano naman po yung mga nakikita nyo na mga pagkakatulad sa panahon noon at ngayon?

PAGKAKATULAD

1. Dominante pa rin ng mga tradisyunal na pulitiko ang gobyerno lalong lalo na sa mga probinsiya. Pati na ang mga party list political parties ay dinomina na nila kaya higit na naging mabagal ang pagbabago.

2. Magkakalapit ang paraan ng pamumuno ni Presidente Marcos Sr. at Presidente Duterte. Parehong mamatay tao at mala-diktador. Sana huli na ito. Marami na tayong natutunan sa mga kamaliang naganap na.

3. Kaya marami pa rin ang mga trapong pulitiko, ganoon pa rin ang mga mamboboto dahil marami parin ang mga mahihirap and may malaking kakulangan ang pagpapaaral at edukasyon edukasyon lalong lalo na amg mga kabataan. Magkakapatid ang kakulangan ng edukasyon, pagkain at kalusugan at ng mga trapong pulitiko

PAGKAKAIBA

1. Lumalaki na rin ang bilang ng mga edukado at middle class kaysa sa nakaraan

2. Mabagal pa rin ang pagkonti ng mga mahihirap. Sa ngayon, 18% pa rin. Nais maibaba ito mula 8-9% sa pamumuno ni Presidente BB Marcos Jr. Sana maipatupad ito kahit nalagpasan na tayo ng mga kapitbahay natin sa ASEAN.

3. Dumadami ng dumadami and mga OFW at naging malaking industriya na ito. Hindi ito dapat na lumaki pa at maging tradisyunal na kultura. Lalo tayong hindi uunlad bilang isang bansa.

[ ] Ano po yung pakiramdam nyo ngayong isang Marcos na naman ang nakaupo sa Malacañang?

Sana, maging kakaibang tao si President Marcos Jr. kaysa sa Tatay niyang si Marcos Sr. Bagamat siya at ang mga kamag-anakan nila ang makikinabang sa mga kayamang naiwanan sa kanila, sa tingin ko wala nang hahanapin pa sila dahil talagang sobrang sobra na ang mga yaman nila. Sana maisip niya at ng kanyang mga angkan na wala nang dapat hangarin si President Marcos Jr. Halos nasa kanya na ang lahat. Pero isang simple at maliit na bagay lamang ang dapat makamtan niya … ang karangalan niya at isang taong may dangal. Tila hindi ito ang nakuha ng kanyang ama.

30/01/2025

Akbayan condemns China Coast Guard obstruction of PCG retrieval mission of dead fisherman

Akbayan Partylist First Nominee Atty. Chel Diokno today scored the recent interference of a Chinese Coast Guard (CCG) vessel on a Philippine Coast Guard (PCG) rescue mission last Monday. CCG vessel 3304 shadowed the PCG’s BRP Cabra while on a mission to recover the remains of a deceased Filipino fisherman off the coast of Silanguin Island, Zambales. The PCG vessel was shadowed by the CCG vessel during the whole ordeal while navigating through rough waters. Diokno condemned their actions as obstructing the PCG's mission and endangering the lives of BRP Cabra's crew members.

“They are not only trespassing but also obstructing the retrieval mission of the PCG—putting our coast guard in harm's way with their actions. BRP Cabra's crew had to navigate through heavy waves while conducting their mission,” Diokno said.

Diokno underscored that the government must take necessary steps to address future attempts by the CCG to hamper PCG rescue or retrieval missions, “Nakakagalit pero 'di nakakapagtaka. China has shown they are willing to do anything to pursue their aggressive expansionism in the West Philippine Sea. We should be concerned by the dangerous precedent set by these actions and take the necessary precautions to ensure that our PCG will not be hampered by such reckless behavior.”

Akbayan also urged the national government to extend any assistance necessary to the family of the deceased fisherman and to also commend the crew of BRP Cabra for their display of bravery.

“Nakikiramay kami sa pamilya ng nasawing mangingisda. We call on the government to extend the necessary assistance to the family of the fisherman,” he said.

“At the same time, PCG must give the appropriate commendation to the crew of BRP Cabra. Dapat tularan ang dedikasyon na pinamalas nila sa pag-recover sa labi ng mangingisda at sa pagtuloy sa kanilang mission sa harap ng pangha-harass ng CCG. Ganyang uri ng katapangan ang kinakailangan natin ngayon," Diokno emphasized.


Address

36 Day Lily Street , Lillesville II Subd. , Camarin
Quezon City
1423

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Philippine Industrial Relations Society (PIRS, Inc.) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Philippine Industrial Relations Society (PIRS, Inc.):

Share