13/07/2025
𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗕𝗢𝗗 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦
Tatakbo para sa District 12 (Palayan City, Laur, at Gabaldon) si Engr. Joselito P. Anusencion sa isasagawang Board of Directors' Election ng Nueva Ecija II Electric Cooperative, Inc.-Area 2, 19 Hulyo 2025 (Sabado).
Pagbuo ng mga polisiya para sa pagpapanatili ng maaasahang imahe ng ating kooperatiba ang gagampanang tungkulin ng maiuupong kinatawan sa BOD.
Gaganapin sa Palayan City Central School, Laur Central School, at Gabaldon Central School ang nasabing eleksyon.
Mag-uumpisa ang botohan nang 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.
Maaari lamang makaboto kung dala ang membership ID o statement of account/bill o kahit anumang valid ID (isa lamang sa mga nabanggit).