22/08/2026
📢 IMPORTANT CUSTOMER REMINDER❗️
Sa lahat po ng nag-oorder, sana po ay siguraduhing available at reachable kayo kapag confirmed na ang order at naka-schedule na ang delivery.
Starting today, lahat po ng COD/COP orders ay required na magkaroon ng downpayment bago namin ipadala ang item. Lalo na po sa mga orders na ipapadala through LBC, dahil may additional shipping at return expenses kapag hindi natanggap ang parcel.
Ang remaining balance po ay maaari pa ring bayaran through COD/COP upon delivery or pickup, depende sa napiling shipping method.
Ginagawa po namin ito para maprotektahan hindi lamang ang buyers, kundi pati na rin ang sellers sa bawat transaction.
Hindi lang po buyer ang maaaring malugi sa isang hindi natuloy na transaction. Kami ring sellers ay gumagastos para sa shipping, delivery attempts, riders, at possible return of items.
Nagpo-post po kami nito for awareness at para malinaw ang policy namin, hindi para mamahiya ng customer. Tinakpan din po namin ang identifying information sa screenshot.
Sana po ay maging responsible at considerate tayo sa bawat transaction. 🙏
Confirmed order = commitment.
Thank you po sa mga customers na marunong makipag-coordinate.