KnowArch

KnowArch BS Architecture đź‘·
Civil Service Professional đź«‚
Safety Officer 2 ⛑️
Registered Master Plumber đź”§

25/02/2026

Para mas ma gets mo ung utilities draft it like this...

Building permit delayed because of incomplete plumbing plans?I provide professional plumbing design, drafting, and sign ...
23/02/2026

Building permit delayed because of incomplete plumbing plans?

I provide professional plumbing design, drafting, and sign & seal services compliant with the National Plumbing Code of the Philippines.

Avoid revisions. Avoid rejection.

đź“© Send your plans for assessment today.

15/02/2026

Sobrang strict na prof


3 TIPS PARA 'DI KA MAGMUKHANG TRYING HARD NA ARKI.Hindi mo kailangang ipagsigawan na “arkitekto ka.” Makikita ’yan sa ga...
11/02/2026

3 TIPS PARA 'DI KA MAGMUKHANG TRYING HARD NA ARKI.

Hindi mo kailangang ipagsigawan na “arkitekto ka.” Makikita ’yan sa gawa mo.

1. Huwag mong gawing personality ang title

“Ar.” sa bio. “Licensed Architect” sa bawat sentence. Okay lang maging proud.

Pero tandaan — ang lisensya ay baseline. Hindi siya personality.

Mas mabigat pa rin ang integridad, disiplina, at kung paano ka makitungo sa tao sa site.

2. Tigilan ang overdesign

Hindi lahat ng project kailangang may curve. Hindi lahat kailangang may glass at wood slats.

Kapag sobra ang pasikat, nawawala ang function.

Ang totoong magaling, kayang gawing simple ang komplikado. Hindi komplikado ang simple.

3. Matutong makinig bago mag-present

Hindi porket ikaw ang designer, ikaw lang ang tama.

Kapag marunong kang makinig sa kliyente, engineer, at foreman —

mas lalalim ang design mo.

Ang insecure na arki, laging may patunay. Ang kampanteng arki, may output.

Ang galing hindi pinipilit. Nakikita ’yan sa detalye. Nararamdaman ’yan sa proseso.

Mas attractive ba ang maingay na portfolio, o ang tahimik pero solid ang ex*****on?

07/02/2026

POV: ANLAMIG PERO D MO MABABA UNG AIRCON

06/02/2026

Mas madaling ayusin ang maling sukat kaysa sa maling nasabi. 📏

Kapag may palpak na detalye, delayed na client, o revision na paulit-ulit, normal lang mapuno. Normal lang maglabas ng sama ng loob. Pero mag-ingat kung kanino at paano mo ikinukwento. Dahil kapag siniraan mo ang kliyente, contractor, o kapwa arki sa iba, ikaw lang ang may chance umayos ulit ang working relationship—pero sila, maiiwan sa isip ng nakarinig ang negatibong blueprint.

Darating ang araw na maaayos ang plano. Mapipirmahan ang variation order. Matatapos ang proyekto. Pero ang reputasyon? Kapag nabasag na, mahirap nang i-retrofit. Nabuo na sa isip nila ang imahe base sa mga salitang binitawan mo noong pagod ka.

Minsan, ang tunay na professionalism ng arkitekto ay hindi nasusukat sa ganda ng render o dami ng awards, kundi sa paraan ng pagprotekta sa dignidad ng mga taong ka-collaborate mo—lalo na kapag magulo ang site at sabog ang schedule.

Hindi lahat ng galit kailangang gawing kwento.
May mga bagay na mas maayos ayusin sa loob ng drawing board, hindi sa labas ng opisina

.

02/02/2026

SITE OR OFFICE ARCHITECT?

Mangitim sa init o mamutla mamutla

‎Ang sobrang effort sa proyekto, nakaka-devalue.‎‎Hindi sa umpisa. Sa umpisa, hanga sila. Overtime ka. Laging “pwede”. K...
01/02/2026

‎Ang sobrang effort sa proyekto, nakaka-devalue.
‎
‎Hindi sa umpisa. Sa umpisa, hanga sila. Overtime ka. Laging “pwede”. Kahit wala sa kontrata, ginagawa mo.
‎
‎Pero habang tumatagal, may nawawala.
‎
‎Kapag lahat libre, wala nang respeto sa serbisyo. Kapag lahat urgent, wala nang halaga ang oras mo.
‎
‎Hindi ka na “professional.” Hindi ka na “in demand.” Hindi ka na nirerespeto bilang architect.
‎
‎Masakit pakinggan pero totoo: ang architect na laging available, laging pwedeng baratin.
‎
‎Hindi dahil mahina ka. Hindi dahil mali ka magtrabaho. Kundi dahil wala kang boundaries.
‎
‎Ang effort dapat may limitasyon. May scope. May malinaw na terms.
‎
‎May oras para sa drawing, may oras para sa sarili.
‎
‎Kapag ginawa mong sentro ng buhay ang proyekto, binawasan mo ang bigat mo bilang professional.
‎
‎Mas tama bang ibigay lahat para sa kliyente, o mas valued talaga ang architect na marunong magpresyo, mag-no, at magtira para sa sarili niya?
‎
‎
‎
‎

HINDI DAHIL WALA SA LISTAHAN, AY WALA KA NANG PATUTUNGUHAN. ​Masakit, oo. Valid ang bawat luha, valid ang bigat ng loob,...
29/01/2026

HINDI DAHIL WALA SA LISTAHAN, AY WALA KA NANG PATUTUNGUHAN.

​Masakit, oo. Valid ang bawat luha, valid ang bigat ng loob, at valid na maramdaman mong parang tumigil ang mundo. Pero tandaan mo: ang board exam ay timing, hindi basehan ng iyong halaga. Isang snapshot lang ito ng isang araw, pero ang career mo ay isang buong lifetime.

​Ang puyat sa design studio, ang mga gabing kape na lang ang nagpapatakbo sa dugo mo, at ang talinong ibinuhos mo sa bawat plate—nariyan pa rin ’yan. Hindi nabura ng isang result ang pagiging Arkitekto ng puso at isip mo. Walang PDF file ang makakapagsabi kung gaano ka kahusay lumikha at mangarap.

​Kailangan ng industriya ang mga tulad mong marunong bumangon. Sa mundong puno ng mga structures, kailangan natin ng mga arkitektong may matibay na pundasyon ng loob. Mga taong hindi sumusuko kapag mabigat na ang load, at mga taong mas may malasakit dahil alam nila ang pakiramdam ng masaktan.

​Take a break. Breathe. Cry if you must. Spend time with the people who love you regardless of those three letters after your name. But don't you dare quit.

​Huwag mong iiwan ang sarili mo sa pagkatalong ito. Hindi ka nawala sa landas—nadelay ka lang para mas maging handa. Naghihintay ang architecture sa tamang oras mo, at pagdating ng araw na iyon, mas matamis ang tagumpay dahil alam mong pinaglaban mo ito nang buong-buo.
​Laban lang, Ka-Arki.

Ang lisensya ay darating, pero ang galing mo? Noon pa man, nandoon na. 🧡

​

Address

Sa Tabi Tabi Ng
Culion
3000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KnowArch posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share