10/03/2026
ALAM KO MARAMI ANG NAGREREKLAMO NGAYON.
Sino ba naman ang hindi magrereklamo?
May gulong nangyayari sa ibang bansa na napakalayo sa atin, pero ramdam na ramdam natin ang epekto dito.
Kapag tumataas ang gasolina, hindi lang biyahe ang nagiging mahal. Halos lahat nadadamay.
Akala ng iba kapag tumataas ang gasolina, pang sasakyan lang ang epekto. Pero sa construction, malaki rin ang impact nito.
Kapag tumataas ang presyo ng fuel, tumataas din ang delivery cost ng mga materyales tulad ng cement, bakal, buhangin, tiles at iba pa. Karamihan kasi ng mga ito ay dinadala ng mga truck na gumagamit ng diesel kaya kapag tumaas ang fuel, tumataas din ang hauling at delivery cost.
Pati ang paggawa ng ibang construction materials ay gumagamit ng malaking energy at fuel. Kaya kapag tumataas ang energy cost, kadalasang sumusunod din ang pagtaas ng presyo ng materials tulad ng cement, steel, glass at tiles.
Apektado rin ang paggamit ng construction equipment tulad ng backhoe, excavator, dump truck at concrete mixer dahil lahat ito ay fuel powered.
Minsan pati labor cost naaapektuhan din dahil tumataas ang pamasahe at cost of living ng mga workers.
Sa Pilipinas, kahit 10 hanggang 20 na increase sa fuel, puwedeng makaapekto ng humigit kumulang 3 hanggang 8 percent sa total construction cost depende sa laki ng project at location ng site.
Ayon din sa mga balita at sa ibang sektor, may posibilidad pa na tumaas ang presyo ng fuel bago matapos ang buwan ng March dahil sa patuloy na tensyon sa ibang bansa at sa pagtaas ng presyo ng oil sa world market.
Kaya mga kamodern, kung may plano kayong magpagawa ng bahay, mas maganda na makapag plan at makapag start nang mas maaga bago pa lalo tumaas ang presyo ng materials.
Dahil tandaan mas mabilis mag mark up ang presyo kaysa mag mark down. Kapag nagkaroon ng market increase mabilis itong tumataas pero kadalasan matagal bago bumaba. Ito ang sistema ng market na hindi natin kontrol at minsan pati contractor at client ay naiipit sa pagbabago ng presyo.
Plan Well. Build Right. Experience Matters.
LSEE Construction Services
Muntingpulo, Lipa City
0991 545 7926
Viber at WhatsApp available