30/07/2025
May tanong sa amin bakit daw 12mm na bakal ang ginagamit namin sa poste at beam, hindi ba pwedeng 10mm lang?
Ang sagot: Ang sukat ng bakal ay batay sa detalyadong structural analysis ng bahay niyo.
Kalkulado ito ng aming civil engineer, si Engr. Romeo Noriel D. Casia, para masiguro ang kaligtasan at tibay ng istraktura, lalo na't nasa seismic zone tayo dito sa Bicol.
Ang paggamit ng 10mm imbes na 12mm ay maaaring makompromiso ang tibay ng bahay at delikado, lalo na sa lindol.
Para sa amin, hindi pwedeng tipirin ang pundasyon at istraktura. Ang goal namin ay makagawa ng ligtas at matibay na bahay para sa inyo.
We just praying na makinig ang aming client sa pinapagawa nyang bahay. At just hoping the contractor will follow the approved building permit drawing.
Imagine sa atin tumama ang 8.7magnitude na lindol? Ready at Safe ba ang bahay mo?