28/05/2026
๐ง 6 PAGKAKAMALI SA CONSTRUCTION NA NAGDUDULOT NG MALAKING PAGKALUGI SA BUDGET ๐ง
1๏ธโฃ Pagpili ng Pinakamurang Bid Nang Hindi Tinitingnan ang Quality
Maraming kliyente ang nakatuon lang sa pinakamababang presyo at humihingi pa ng malaking discount. Pero ang murang materyales, kulang sa skilled workers, at minadaling trabaho ay kadalasang nagdudulot ng repairs, delays, at mas malaking gastos sa huli.
2๏ธโฃ Mga Contractor na Tumatanggap ng Project na Sobrang Baba ng Estimate
May mga contractor na tinatanggap ang project kahit sobrang liit ng tubo para lang makakuha ng trabaho. Resulta nito ay kakulangan sa budget, unfinished work, poor workmanship, delayed timeline, at financial stress habang ginagawa ang project.
3๏ธโฃ Walang Maayos na Planning Bago Simulan ang Construction
Ang pabago-bagong layout, design, o materyales habang ongoing ang construction ay nagdudulot ng dagdag gastos, sayang na materyales, at delay sa trabaho.
4๏ธโฃ Pagkuha ng Hindi Qualified na Workers o Suppliers
Ang pagpili ng inexperienced workers o unreliable suppliers ay maaaring makatipid sa umpisa, pero ang maling gawa, rework, at sirang materyales ay mas magastos sa long term.
5๏ธโฃ Mahinang Project Management at Communication
Kapag kulang ang coordination ng owner, contractor, engineers, at workers, nagkakaroon ng scheduling conflicts, maling installations, at magastos na back jobs.
6๏ธโฃ Pagpapabaya sa Structural at Waterproofing Quality
Ang mahinang structural works at poor waterproofing ay maaaring hindi agad makita ang problema, pero kalaunan magdudulot ito ng leaks, cracks, at seryosong structural damage na sobrang mahal ayusin.
โ
Build Smart. Plan Well. Choose Wisely.
๐ฐ Magtipid nang tama ngayon para iwas malaking gastos bukas.