Mac's Fabrication

Mac's Fabrication 🧑🏻‍🏭High Quality Work
🧑🏻‍🏭Free Estimation
Any designs of Ceiling,grills,gate,stairs and others!

21/10/2024

Ang ganda ng mensaheng ito:😭😭

Nag-aral ka sa pribadong paaralan, ako naman sa pampubliko, ngunit pareho tayong nakapagtapos ng high school. Naging security guard ako, ikaw naman ay naging manager ng bangko, pero pareho tayong nagsusumikap para sa ating pamilya. Nagising ka sa malambot na k**a, ako naman sa banig, pero pareho tayong may tahimik na pahinga sa gabi. Mamahalin ang suot mo, ang akin ay simple at mura lang, ngunit pareho naman tayong natatakpan. Tumingin ka sa iyong Rolex, ako naman sa simpleng orasan, ngunit pareho lang ang oras na ipinapakita. Kumain ka ng fried rice at chicken barbecue, ako naman ng lokal na pagkain, ngunit pareho tayong nabusog. Sumakay ka sa sarili mong sasakyan, ako naman sa tricycle o jeep, minsan naglalakad pa, pero pareho tayong nakararating sa nais nating puntahan. Binabasa mo ito sa iyong high-end na smartphone, ako nama’y gumagamit ng simpleng cellphone, pero pareho tayong nakakatawag at nakatatanggap ng mensahe.

ANG BUHAY AY HINDI PALIGSAHAN.
HINDI NAKABATAY SA DAMI NG PAG-AARI ANG KALIGAYAHAN.

✓ Matutong maging masaya sa kung anong mayroon tayo ngayon—lalo na kung kasama natin ang mga mahal sa buhay at malayo sa karamdaman.
✓ Walang permanente sa mundo, lahat nagbabago at nawawala, kaya magpasalamat tayo sa Diyos sa kung ano ang meron tayo ngayon. Ang lahat ng bagay, pati buhay, ay hiram lamang.
✓ Maging mabuti sa kapwa nang walang hinihinging kapalit.
✓ Maging mapagpakumbaba.
✓ Piliin ang kapayapaan at katahimikan ng puso’t isipan.

MINSAN LANG TAYO MAGKAKAROON NG PAGKAKATAONG MABUHAY. Piliin nating maging masaya, at huwag tayong manakit ng iba.

Address

Blk 76 Lt 46 Phase 3 (CHRV) Luke Street
Dasmarinas

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mac's Fabrication posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share