15/12/2025
"MONEY DOESN'T KEEP A WOMAN.”
No woman leaves a man because he's broke. She leaves because she feels disrespected, unappreciative and unloved. Money doesn't keep a woman.
Kung ayaw sayo, let them. If feel mo na left out kana, let them.
Minsan kahit gaano ka pa kabait, may mga taong hindi marunong magvalue ng presence mo. Hindi nila alam na minsan, maliit na effort lang sapat na para hindi ka mapagod. Pero kapag puro ikaw na lang, nakakapagod talaga.
Darating yung point na mapapaisip ka kung bakit ka pa lumalaban. Hindi dahil mahina ka, pero dahil napagod ka ng ipakita ang worth mo sa maling tao. Masarap din pala yung peace na ikaw ang pumili.
Normal lang na masaktan kapag hindi ka pinili. Pero tandaan mo, hindi nagtatapos ang mundo sa isang tao lang. May mga taong darating at papahalagahan ka ng buong buo.
Hindi mo kailangan magbeg para bigyan ng oras o pansin. Kapag gusto ka ng tao, mararamdaman mo kahit hindi nila sabihin. Kapag ayaw nila, mararamdaman mo rin, mas masakit nga lang.
Huwag mong kalimutan ang sarili mo habang binibigay mo lahat sa iba. Ikaw pa rin ang original na source ng love na hinahanap mo. Love yourself enough para alisan ang mga sitwasyong hindi ka na masaya.