26/05/2026
Sa bawat insidente ng pagguho ng building na nangyayari sa Pilipinas, iisa agad ang eksena sa social media:
May gustong agad sisihin ang engineer.
May gustong agad sisihin ang contractor.
May gustong agad sisihin ang foreman.
At minsan, may profession war pa bago pa man matapos ang imbestigasyon.
Pero ang totoo, ang pag-collapse ng isang gusali ay kadalasang hindi resulta ng iisang pagkakamali lang. Isa itong chain of failures.
At ito ang masakit na realidad na ayaw pag-usapan ng marami sa construction industry.
Maraming proyekto ang nagsisimula pa lang ay compromised na.
May client na gusto “mapamura.”
May contractor na gusto “mapabilis.”
May designer na pinipilit pagkasyahin sa unrealistic budget.
May supervising professionals na hindi naman talaga present sa site.
May mga gumagamit ng undersized materials.
May pagbabago sa actual construction na hindi naibabalik sa designer.
May mga pirma na minsan formalities na lang.
At pagkatapos ng lahat ng iyon, kapag may bumagsak, saka lang magtuturuan.
Ang tanong:
Sino ba talaga ang may kasalanan?
Ang Design Professionals ba?
Kung mali ang analysis, kulang ang consideration sa loads, mahina ang detailing, o hindi akma ang design sa totoong kondisyon ng site, malaking usapin iyon. Ang pirma ng design professional ay hindi simpleng tinta. Kalakip nito ang public safety.
Pero dapat ding itanong:
Nasunod ba talaga ang plano?
Dahil kahit gaano kaganda ang design, kapag binago sa actual construction, tinipid ang bakal, binawasan ang semento, o pinalitan ang materyales nang walang approval, ibang usapan na iyon.
Dito papasok ang responsibilidad ng Contractor at Builder.
Sila ang direktang gumagawa. Sila ang may kontrol sa labor, materials, sequencing, workmanship, at actual implementation. Maraming structural failures ang hindi dahil sa design, kundi dahil sa poor ex*****on at shortcuts sa site.
Pero hindi rin doon natatapos.
Nasaan ang Supervising Professional?
Maraming proyekto sa Pilipinas ang may “supervising engineer” sa papel pero bihirang makita sa site. Minsan, pirma lang ang ambag. Kapag walang mahigpit na monitoring, walang quality control, at walang enforcement ng plano, lumalaki ang posibilidad ng failure.
At siyempre, hindi rin dapat inaalis sa usapan ang Client o Developer.
Ito ang pinaka-kontrobersyal na bahagi.
Maraming ayaw aminin na may mga proyekto talagang inuuna ang budget kaysa kalidad. May pressure na pababain ang cost kahit naapektuhan na ang safety. May insistence sa unrealistic timeline. May pagkuha ng pinakamurang professional fee na para bang ordinaryong produkto lang ang engineering services.
Pagdating sa design at construction, ang sobrang pagtitipid ay maaaring maging napakamahal na pagkakamali.
Ang mas nakakatakot?
Normal na ito sa industriya.
Kaya bago tayo makisabay sa sisihan tungkol sa collapsed building issue, baka mas magandang tanungin muna natin:
Ilang proyekto ba ngayon ang ginagawa na compromised na agad mula umpisa?
Ilang building ang may complete plans pero hindi sinusunod sa actual site?
Ilang supervising professionals ang totoong nag-iinspect?
Ilang clients ang mas priority ang makatipid kaysa safety?
At ilang tao sa industriya ang tahimik na lang dahil “ganyan naman talaga”?
Ito ang realidad na dapat pagdebatehan.
Dahil sa construction, hindi opinion ang bumabagsak. Gusali. At minsan, buhay ng tao.
CTTO