22/09/2025
Ang hirap ng mahalin ng Pilipinas, kung mga nakaupo ay mga buwaya!
Kung tutuusin, wala naman dapat mahirap sa Pilipinas eh. Lahat ng Pinoy madiskarte, masipag, hindi nauubusan ng paraan para mabuhay. Kahit maliit ang kita, kahit gaano kahirap, kakayod at kakayod para sa pamilya.
Pero bakit andami pa rin naghihirap? Kasi habang tayong ordinaryo, pawis at dugo ang puhunan, yung mga nasa pwesto inuuna bulsa nila. Yung mga proyekto na dapat proteksyon sa tao, mga flood control, kalsada, pabahay, nauuwi sa βghost project.β Pera ng taumbayan, ninanakaw sa harap ng mata natin.
Kung walang korapsyon, baka mas maraming bata ang nakakapag aral. Kung walang nakawan, baka walang nanay na nagiisip saan kukuha ng gatas. Kung walang kurakot, baka hindi na binabaha mga bahay natin.
Hindi kulang sipag ng Pilipino. Hindi kulang tiyaga. Ang kulang, tapat na pamumuno at sistema na hindi nilalamon ng corruption.
Masakit lang isipin, kapag mayaman nandadaya, tawag business. Kapag mahirap lumaban, tawag kaguluhan. Pero ang totoo, ang kaguluhan yung paulit ulit na panloloko sa taong bayan.
Sana dumating yung araw na di na kelangan mag rally para lang marinig. Sana dumating yung panahon na pera ng bayan, bumabalik talaga sa bayan. Sana yung Pilipinas, hindi hati sa mayaman at mahirap, kundi patas lahat, kasi lahat tayo Pilipino.