24/05/2026
Nakakalungkot ang nangyaring pag-collapse ng isang ongoing 9-storey building. Habang wala pang opisyal na ulat tungkol sa tunay na dahilan ng insidente, magsilbi sana itong paalala at babala sa lahat ng balak magpatayo ng gusali.
Ang construction ay hindi dapat tinitipid. Ang tamang structural design, maayos na ex*****on, quality materials, at tamang supervision ay napakahalaga para sa kaligtasan ng lahat.
Nakakaalarma rin na may mga nagpapagawa ng structural design na halos β±3,000 lang ang budget. Hindi man ito konektado sa nangyaring insidente, ipinapakita nito kung paano minsan minamaliit ang halaga ng tamang engineering at professional responsibility.
Sa construction, hindi lang pera ang nakataya kundi kaligtasan at buhay ng tao.