13/03/2026
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month, hinihikayat ng Municipal Agriculture Office ang lahat ng mamamayan at pet owners na makiisa sa ating layunin na magkaroon ng Rabies-Free na komunidad.
Upang makontrol at tuluyang mapuksa ang insidente ng rabies, isinusulong ng Municipal Agriculture Office ang mga sumusunod:
✅ Libreng Anti-Rabies Vaccination para sa mga a*o at pusa na 3 buwan pataas at taunang pagbabakuna.
✅ Responsableng Pag-aalaga ng Alagang Hayop – Irehistro ang mga alagang a*o at pusa at tiyaking hindi sila pakalat-kalat sa komunidad.
✅ Spaying at Neutering Program upang makatulong sa pagkontrol ng populasyon ng mga a*o at pusa.
✅ Information and Education Campaign sa mga barangay at paaralan tungkol sa rabies prevention.
Bilang bahagi ng kampanyang ito, isinagawa ngayong araw Marso 12,2026 ang Kick-Off Activity ng Rabies Awareness Month sa Barangay Palsong, Bula, na kinabibilangan ng anti-rabies vaccination, Spaying and neutering/castration, information campaign, at iba pang serbisyong beterinaryo para sa ating mga alagang hayop.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakibahagi at tumulong sa matagumpay na aktibidad, lalo na sa LGU Bula - Mayor Nonoy Ibasco, DA RFOV, Livestock and Regulatory Division - Dr. Jomar Azada, Dr Rona Pineda, Dr. Rosela Asico, ang Vet. Tech; CBSUA na pinangungunahan ni Dr. Shiloh Perdon, Dr France Pamarang, ilan pang mga beterinaryo, ang 91B veterinary Corps Capt Billy Jo B.De Silva, Barangay Officials ng Palsong, mga kawani ng Local Agriculture Office,sa aming livestock and poultry coordinator- Dr. Celestina Esteve, sa mga Clinicians - estudyante at kinatawan mula sa CBSUA (Central Bicol State University of Agriculture), at sa lahat ng tumulong maraming salamat po.
Sa sama-samang pagkilos ng pamahalaan at komunidad, makakamit natin ang isang ligtas, malusog, at Rabies-Free na Bayan ng Bula.
🐾 Rabies-Free na Pusa’t A*o, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino.