COB - OCABE

Directions

COB - OCABE Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from COB - OCABE, Engineering service, Bagsakan, Public Market, Balanga.

Adequate, safe and standard compliant Agri-fishery machinery, infrastracture, facilities and irrigation for Agri-fisheries modernization and industrialization of the City.

𝐁𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐢𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲|| 𝟎𝟑 𝐍𝐎𝐕𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟔Batay sa pinakahuling weather outlook ngayong araw para sa ...
03/11/2026

𝐁𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐢𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲
|| 𝟎𝟑 𝐍𝐎𝐕𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟔

Batay sa pinakahuling weather outlook ngayong araw para sa Bataan, inaasahan ang partly cloudy to cloudy skies na may posibilidad ng isolated rainshowers o thunderstorms. Sa kasalukuyan, nakararanas ng maulap na kondisyon ng panahon at mahinang pag-ulan sa Balanga City, na inaasahang magpapatuloy sa mga susunod na araw. Kaya naman, pinapayuhan ang mga magsasaka na samantalahin ang mga panahong mas maaliwalas upang maisagawa ang mga kinakailangang gawaing pansaka, pagsusuri ng mga sakahan, at maintenance ng mga pasilidad, habang nananatiling alerto sa posibleng pagbabad ng lupa at waterlogging dulot ng pag-ulan. Para sa mga palayang papalapit na sa anihan, mahalagang ihanda ang mga kagamitan at pasilidad para sa pag-aani, pagpapatuyo, at ligtas na pag-iimbak ng palay upang maiwasan ang pagkaantala at posibleng pagkalugi. Kasabay nito, patuloy na paghandaan ang posibleng epekto ng El Niño sa mga susunod na buwan, kabilang ang mas mainit at tuyong kondisyon ng panahon at posibleng kakulangan sa suplay ng tubig, kaya mahalaga ang maingat na pamamahala sa tubig, pananim, at iba pang agricultural resources.

Dahil sa kasalukuyang pag-ulan, regular na subaybayan ang kondisyon ng mga pananim at antas ng tubig sa mga palayan upang maiwasan ang sobrang pagbabad at waterlogging. Tiyaking maayos ang daluyan ng tubig sa bukid at alisin ang mga bara sa mga kanal kung ligtas itong gawin. Batay sa cropping calendar ng Balanga City, inaasahang nasa maturity stage na ang ilang palayan, bagama’t maaaring mag-iba ang yugto depende sa petsa ng pagtatanim at aktuwal na kondisyon ng bukid. Para sa mga palayang papalapit na sa anihan, suriin ang pagkahinog ng mga uhay at butil at ihanda ang mga kagamitan sa pag-aani, pagpapatuyo, at ligtas na pag-iimbak. Iwasang mag-ani habang umuulan o basa ang mga pananim upang mapanatili ang kalidad ng ani at mabawasan ang posibleng pagkalugi.

Ayon sa pinakahuling DOST-SINAG Pest & Disease Watch, Very High Risk ang Dirty Panicle, High Risk ang Kernel S**t, at Moderate Risk ang Rice Black Bug, Sheath Blight, Rice Bug, at False S**t. Low Risk naman ang iba pang na-monitor na peste at sakit, kabilang ang Caseworm, Golden Apple Snail, Rice Hispa, Rice Mealybug, Rice Thrips, Rice Gall Midge, Rice Whorl Maggot, Rice Blast, at Bacterial Leaf Blight. Dahil sa maulap at maulang kondisyon, regular na inspeksyunin ang mga palayan, lalo na ang mga uhay at butil. Panatilihing malinis ang bukid, tiyaking maayos ang drainage, at iwasan ang sobrang siksik na pagtatanim at labis na paggamit ng nitrogen fertilizer. Bantayan din ang mga gilid ng palayan para sa Rice Black Bug at ang posibleng pinsala mula sa Rice Bug, kuhol, ibon, at daga. Ipatupad ang angkop na Integrated Pest Management (IPM) batay sa aktuwal na kondisyon ng bukid. Ang mga risk rating ay gabay sa pagmamanman at hindi awtomatikong batayan para sa pag-spray. Gumamit lamang ng rehistradong pestisidyo kung kinakailangan, alinsunod sa label at rekomendasyon ng Agricultural Extension Worker (AEW).

Sa paglalagay ng abono, isaalang-alang ang kasalukuyang maulap at maulang kondisyon ng panahon. Iwasang mag-abono habang umuulan o kung inaasahang malakas ang pag-ulan upang mabawasan ang pagkawala ng sustansya dulot ng runoff. Sundin ang tamang uri, dami, at panahon ng aplikasyon batay sa resulta ng soil analysis at gabay ng AEW. Para sa mga palayang nasa maturity stage, tiyaking ang anumang karagdagang fertilizer application ay angkop pa sa yugto ng pananim. Itago ang mga abono sa tuyo at ligtas na lugar.

Para sa patubig, subaybayan ang kondisyon ng lupa at aktuwal na pangangailangan ng mga pananim bago magsagawa ng karagdagang patubig. Iayon ang iskedyul sa dami ng naitatalang ulan at kondisyon ng bukid. Samantalahin ang paghinto ng ulan upang suriin at linisin ang mga kanal, water inlet, bomba, at iba pang pasilidad ng irigasyon, kung ligtas itong gawin. Para sa mga palayang nasa maturity stage, iangkop ang water management upang maiwasan ang sobrang pagbaha sa bukid. Isaalang-alang din ang posibleng kakulangan sa tubig sa mga susunod na buwan at makipag-ugnayan sa NIA, Irrigators’ Associations (IAs), o watermasters para sa maayos na koordinasyon sa paggamit at pamamahagi ng tubig.

Para naman sa mga makinarya at kagamitang pansaka, tiyaking nakalagay ang mga ito sa ligtas at tuyong lugar upang maiwasan ang pagkabasa at pagkasira. Iwasan ang paggamit ng makinarya sa basang lupa at habang umuulan, lalo na kung madulas ang daanan o hindi ligtas ang kondisyon sa bukid. Samantalahin ang paghinto ng ulan upang suriin, linisin, at kumpunihin ang mga harvester, thresher, dryer, at iba pang postharvest equipment bilang paghahanda sa anihan. Tiyaking maayos ang mga electrical components at itago sa tuyong lugar ang mga piyesa, gasolina, at iba pang suplay.

Para sa mga alagang hayop at manok, panatilihing malinis, tuyo, at maayos ang bentilasyon ng mga kulungan. Suriin at kumpunihin ang mga bubong, bakod, at drainage upang maiwasan ang pagpasok ng tubig-ulan at posibleng pagbaha. Panatilihing malinis at tuyo ang mga higaan, tiyaking sapat ang malinis na inuming tubig at pakain, at regular na obserbahan ang mga hayop para sa mga senyales ng stress o karamdaman. Isaalang-alang din ang posibleng epekto ng El Niño sa pamamagitan ng maingat na pamamahala sa tubig at pakain.

Gayundin, suriin at idokumento ang kondisyon ng mga pananim, alagang hayop, kagamitan, at iba pang agricultural assets, at tiyaking updated ang PCIC crop at non-crop insurance coverage. Kung may mapansing pinsala o senyales ng posibleng pagkalugi dulot ng pag-ulan o iba pang panganib, agad makipag-ugnayan sa Agricultural Extension Worker (AEW) o Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para sa assessment at pagsusumite ng Notice of Loss (NL). Sundin ang itinakdang deadline upang hindi maapektuhan ang pagproseso ng insurance claim.

Para sa karagdagang impormasyon at gabay, makipag-ugnayan sa Office of the City Agricultural and Biosystems Engineer (OCABE), City Agriculture Office (CAO), City Veterinary Office (CVO), o Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Maging handa at sama-sama nating pangalagaan ang agrikultura ng Lungsod ng Balanga.



Empowering Farmers Through Innovation: Palay Palatak Seeder Field DemonstrationThe Office of the City Agricultural and B...
30/10/2026

Empowering Farmers Through Innovation: Palay Palatak Seeder Field Demonstration

The Office of the City Agricultural and Biosystems Engineer (OCABE) brought agricultural innovation to the fields of Barangay Cabog-Cabog through a technology demonstration of the Palay Palatak Seeder on October 28 and 30, 2026.

Designed to minimize manual labor requirements, the Palay Palatak Seeder offers an alternative approach to traditional rice planting, with the potential to reduce production costs and lessen farmers' dependence on hired farm workers during crop establishment.

Beyond introducing the technology, the activity featured informative discussions on its advantages and limitations, proper operation, and preventive maintenance. More importantly, farmers were given the opportunity to experience the technology firsthand through actual field demonstrations. This hands-on approach allowed participants to observe its field performance, assess its practicality under actual farming conditions, and share their comments and recommendations based on their experience.

A total of 32 rice farmers from the Samahang Magsasaka ng Cabog-Cabog participated in the activity, demonstrating their interest and willingness to explore innovative technologies that can help improve farm productivity and efficiency.

Through initiatives like this, OCABE continues to promote appropriate agricultural mechanization and empower local farmers with practical knowledge and hands-on experience, bringing the City closer to a more productive, efficient, and sustainable agricultural sector.

TECHNOLOGY DEMONSTRATION OF PALAY PALATAK SEEDERunder Local Agricultural and Fisheries Mechanization ProgramCity of Bala...
30/10/2026

TECHNOLOGY DEMONSTRATION OF PALAY PALATAK SEEDER
under Local Agricultural and Fisheries Mechanization Program
City of Balanga

The Office of the City Agricultural and Biosystems Engineer (OCABE) conducted a technology demonstration of the Palay Palatak Seeder in Barangay Cupang Proper on October 28–29, 2026. The activity aimed to promote improved operational efficiency in agricultural activities, particularly in rice crop establishment. The technology is expected to reduce labor requirements and associated costs by minimizing the need to hire multiple farm workers during the crop establishment process.

The program also included lectures on the advantages and disadvantages of the technology, as well as its proper operation and maintenance. Furthermore, the activity provided the participants with an opportunity to operate and test the equipment under actual field conditions, allowing them to observe its performance, gain hands-on experience, and provide feedback based on their actual experience and assessment of the technology.

The activity was attended by 23 rice farmers from the Old Maluya Farmers Association (OFMA), Upper Maluya Farmers Association (UFMA), Cupang West MPC, and Greater Bani MPC.

𝐁𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐢𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲|| 𝟑𝟎 𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟔Batay sa pinakahuling weather outlook ngayong Oktubre 30, in...
30/10/2026

𝐁𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐢𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲
|| 𝟑𝟎 𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟔

Batay sa pinakahuling weather outlook ngayong Oktubre 30, inaasahan ang bahagyang maulap na kalangitan sa Balanga City, na may mababang posibilidad ng pag-ulan sa hapon at gabi. Gayunman, hindi maaalis ang posibilidad ng isolated rainshowers o thunderstorms sa Bataan batay sa general forecast ng probinsya . Sa mga susunod na araw, inaasahan ang slight rain showers sa Oktubre 31, slight thunderstorm sa Nobyembre 1, at moderate drizzle sa Nobyembre 2. Samantalahin ang mga panahong angkop ang kondisyon ng panahon para sa mga kinakailangang gawaing pansaka, ngunit manatiling handa sa posibleng pag-ulan. Patuloy ding paghandaan ang epekto ng El Niño, kabilang ang mas mainit at tuyong kondisyon at posibleng kakulangan sa tubig.

Batay sa cropping calendar ng Balanga City, inaasahang nasa maturity stage na ang ilang palayan, bagama’t maaaring mag-iba ang yugto depende sa petsa ng pagtatanim at aktuwal na kondisyon ng bukid. Regular na suriin ang pagkahinog ng mga uhay at butil upang matukoy ang tamang panahon ng pag-aani. Ihanda ang mga kagamitan sa pag-aani, lugar para sa pagpapatuyo, at pasilidad para sa ligtas na pag-iimbak ng palay. Iayon ang iskedyul ng anihan sa aktuwal na kondisyon ng panahon at pananim upang mapanatili ang kalidad ng ani at maiwasan ang pagkalugi.

Ayon sa pinakahuling DOST-SINAG Pest & Disease Watch, Very High Risk ang Dirty Panicle, High Risk ang Kernel S**t, at Moderate Risk ang Rice Black Bug, Sheath Blight, Rice Bug, at False S**t. Nasa Low Risk naman ang Golden Apple Snail, Rice Hispa, Rice Blast, at Bacterial Leaf Blight. Regular na inspeksyunin ang mga uhay at butil, lalo na sa mga palayang papalapit na sa anihan. Panatilihing malinis ang bukid, iwasan ang sobrang nitrogen application, at bantayan ang pinsala mula sa mga ibon at daga. Alisin ang mga kuhol at kumpol ng itlog ng Golden Apple Snail kung mayroon, at panatilihin ang angkop na pamamahala sa tubig. Iangkop ang Integrated Pest Management (IPM) sa aktuwal na kondisyon ng bukid at gumamit lamang ng rehistradong pestisidyo kung kinakailangan, alinsunod sa label at rekomendasyon ng Agricultural Extension Worker (AEW).

Sa paglalagay ng abono, sundin ang tamang uri, dami, at panahon ng aplikasyon batay sa resulta ng soil analysis at gabay ng AEW. Maaaring samantalahin ang mga panahong mababa ang posibilidad ng pag-ulan para sa kinakailangang fertilizer application. Gayunman, iwasang mag-abono bago ang inaasahang pag-ulan upang mabawasan ang pagkawala ng sustansya dahil sa runoff. Para sa mga palayang nasa maturity stage, tiyaking angkop pa sa yugto ng pananim ang anumang karagdagang aplikasyon.

At ukol naman sa patubig, patuloy na subaybayan ang kondisyon ng lupa at suplay ng tubig, lalo na't walang naitalang pag-ulan nitong mga nakaraang araw. Suriin at linisin ang mga kanal, water inlet, bomba, at iba pang pasilidad upang matiyak ang maayos na daloy at distribusyon ng tubig. Iayon ang patubig sa aktuwal na pangangailangan at yugto ng pananim, at iwasan ang hindi kinakailangang pag-aaksaya ng tubig. Para sa mga palayang malapit nang anihin, tiyaking naaayon sa kondisyon ng pananim ang water management at iwasan ang sobrang pagbaha sa bukid. Makipag-ugnayan sa NIA, Irrigators’ Associations (IAs), o watermasters para sa koordinasyon sa paggamit at pamamahagi ng tubig bilang paghahanda rin sa posibleng kakulangan dulot ng El Niño.

Samantalahin din ang mga panahong mababa ang posibilidad ng pag-ulan upang gamitin ang mga makinarya at kagamitang pansaka. At gayundin, samatalahin din ang pagkakataon upang suriin, linisin, at kumpunihin ang mga ito. Para sa mga palayang papalapit na sa anihan, tiyaking maayos ang kondisyon ng mga harvester, thresher, dryer, at iba pang postharvest equipment. Ihanda ang mga kinakailangang piyesa at suplay, at iwasang magpatakbo ng makinarya sa basang lupa o sa hindi ligtas na kondisyon.

Para naman sa mga alagang hayop at manok, panatilihing maayos ang bentilasyon, sapat ang lilim, malinis ang kulungan, at tuloy-tuloy ang suplay ng malinis na inuming tubig. Suriin at kumpunihin ang mga bubong, bakod, at drainage bilang paghahanda sa mga susunod na pag-ulan. Panatilihing tuyo at malinis ang mga higaan at paligid ng kulungan, at regular na obserbahan ang mga hayop para sa mga senyales ng stress o karamdaman. Isaalang-alang din ang maingat na pamamahala sa tubig, pakain, at iba pang pangangailangan sa harap ng posibleng epekto ng El Niño.

Gayundin, suriin at idokumento ang kondisyon ng mga pananim, alagang hayop, kagamitan, at iba pang agricultural assets, at tiyaking updated ang PCIC crop at non-crop insurance coverage. Kung may mapansing pinsala o senyales ng posibleng pagkalugi, agad makipag-ugnayan sa Agricultural Extension Worker (AEW) o Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para sa kaukulang assessment at pagsusumite ng Notice of Loss (NL). Sundin ang itinakdang deadline upang hindi maapektuhan ang pagproseso ng insurance claim.

Para sa karagdagang impormasyon at gabay, makipag-ugnayan sa Office of the City Agricultural and Biosystems Engineer (OCABE), City Agriculture Office (CAO), City Veterinary Office (CVO), o Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Maging handa at sama-sama nating pangalagaan ang agrikultura ng Lungsod ng Balanga.



29/10/2026
29/10/2026
𝐎𝐧-𝐒𝐢𝐭𝐞 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐌𝐮𝐥𝐭𝐢-𝐂𝐫𝐨𝐩 𝐃𝐫𝐲𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐯𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐢𝐧 𝐂𝐚𝐛𝐨𝐠-𝐂𝐚𝐛𝐨𝐠, 𝐁𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧The Office of the City ...
27/10/2026

𝐎𝐧-𝐒𝐢𝐭𝐞 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐌𝐮𝐥𝐭𝐢-𝐂𝐫𝐨𝐩 𝐃𝐫𝐲𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐯𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐢𝐧 𝐂𝐚𝐛𝐨𝐠-𝐂𝐚𝐛𝐨𝐠, 𝐁𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧

The Office of the City Agricultural and Biosystems Engineer (OCABE), together with the Provincial Agricultural and Biosystems Engineering Division (PABED), accompanied the Department of Agriculture – Regional Agricultural Engineering Division (DA-RAED) during the on-site inspection of the Multi-Crop Drying Pavement Project in Cabog-Cabog, Balanga City, Bataan.

The site inspection served as an opportunity to assess the project’s current condition and progress, while ensuring that its implementation aligns with the intended objectives and technical requirements. The activity also highlighted the importance of coordination among the concerned offices in monitoring agricultural infrastructure projects that support the needs of local farmers.

Through continued collaboration and field monitoring, the City Government of Balanga remains committed to supporting agricultural development initiatives that promote efficient postharvest handling, minimize crop losses, and improve the productivity and livelihood of the city’s farming communities.



𝐁𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐢𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲|| 𝟐𝟔 𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟔Batay sa pinakahuling weather outlook ngayong Oktubre 26, in...
26/10/2026

𝐁𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐢𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲
|| 𝟐𝟔 𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟔

Batay sa pinakahuling weather outlook ngayong Oktubre 26, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan sa Balanga City, na may mababang posibilidad ng pag-ulan sa malaking bahagi ng araw. Gayunman, hindi maaalis ang posibilidad ng isolated rainshowers o thunderstorms sa Bataan, habang inaasahan naman ang moderate drizzle hanggang slight rain showers sa Balanga City sa mga susunod na araw. Samantalahin ang mga panahong angkop ang kondisyon ng panahon para sa mga gawaing pansaka, ngunit manatiling handa sa biglaang pagbabago ng panahon. Kasabay nito, paghandaan ang posibleng epekto ng El Niño, kabilang ang mas mainit at tuyong kondisyon at kakulangan sa tubig.

Batay sa cropping calendar ng Balanga City, inaasahang nasa maturity stage na ang ilang palayan, bagama’t maaaring mag-iba ang yugto depende sa petsa ng pagtatanim at aktuwal na kondisyon ng bukid. Regular na suriin ang pagkahinog ng mga uhay at butil at planuhin ang anihan batay sa lagay ng panahon at pananim. Ihanda ang mga kagamitan sa pag-aani, pagpapatuyo, at ligtas na pag-iimbak ng palay upang mapanatili ang kalidad ng ani at mabawasan ang posibleng pagkalugi.

Ayon sa pinakahuling DOST-SINAG Pest & Disease Watch, Very High Risk ang Dirty Panicle, High Risk ang Kernel S**t, at Moderate Risk ang Rice Black Bug, Sheath Blight, Rice Bug, at False S**t. Regular na inspeksyunin ang mga uhay at butil, lalo na sa mga palayang malapit nang anihin. Panatilihing malinis ang bukid, bantayan ang pinsala mula sa mga ibon at daga, at alisin ang Golden Apple Snail at mga kumpol ng itlog nito kung mayroon. Iangkop ang Integrated Pest Management (IPM) sa aktuwal na kondisyon ng sakahan at gumamit lamang ng rehistradong pestisidyo kung kinakailangan, alinsunod sa label at rekomendasyon ng Agricultural Extension Worker (AEW).

Sa paglalagay ng abono, sundin ang tamang uri, dami, at panahon ng aplikasyon batay sa pangangailangan at yugto ng pananim, resulta ng soil analysis, o gabay ng AEW. Iwasang mag-abono bago ang inaasahang pag-ulan upang mabawasan ang pagkawala ng sustansya dahil sa runoff. Para sa mga palayang nasa maturity stage, tiyaking angkop pa sa yugto ng pananim ang anumang karagdagang aplikasyon. Itago ang mga abono sa tuyo at ligtas na lugar.

Para sa patubig, suriin at linisin ang mga kanal, water inlet, bomba, at iba pang pasilidad upang matiyak ang maayos na daloy at distribusyon ng tubig. Iayon ang patubig sa aktuwal na pangangailangan at yugto ng pananim, at iwasan ang pag-aaksaya ng tubig at sobrang pagbaha sa mga palayang papalapit na sa anihan. Makipag-ugnayan sa NIA, Irrigators’ Associations (IAs), o watermasters para sa koordinasyon sa paggamit at pamamahagi ng tubig, lalo na bilang paghahanda sa posibleng kakulangan dulot ng El Niño.

Samantalahin din ang mga angkop na oras upang suriin, linisin, at kumpunihin ang mga makinarya at kagamitang pansaka. Para sa mga palayang papalapit na sa anihan, tiyaking maayos ang kondisyon ng mga harvester, thresher, dryer, at iba pang postharvest equipment. Ihanda ang mga kinakailangang piyesa at suplay, at iwasang magpatakbo ng makinarya sa basang lupa o sa hindi ligtas na kondisyon.

Habang para naman sa mga alagang hayop at manok, panatilihing malinis, tuyo, maaliwalas, at ligtas ang mga kulungan. Tiyaking may sapat na lilim at malinis na inuming tubig, at suriin ang mga bubong, bakod, at drainage bilang paghahanda sa posibleng pag-ulan. Regular na obserbahan ang mga hayop para sa mga senyales ng stress o karamdaman. Planuhin din ang maingat na paggamit ng tubig at pakain sa harap ng posibleng mas mainit at tuyong kondisyon.

Gayundin, palagiang suriin at idokumento ang kondisyon ng mga pananim, alagang hayop, makinarya, at iba pang agricultural assets, at tiyaking updated ang PCIC crop at non-crop insurance coverage. Kung may napansing pinsala mula sa mga nagdaang pangyayari o iba pang panganib, agad makipag-ugnayan sa Agricultural Extension Worker (AEW) o Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para sa assessment at pagsusumite ng Notice of Loss (NL). Sundin ang itinakdang deadline upang hindi maapektuhan ang pagproseso ng insurance claim.

Para sa karagdagang impormasyon at gabay, makipag-ugnayan sa Office of the City Agricultural and Biosystems Engineer (OCABE), City Agriculture Office (CAO), City Veterinary Office (CVO), o sa iba pang kaukulang tanggapan.

Maging handa at sama-sama nating pangalagaan ang agrikultura ng Lungsod ng Balanga.



𝐁𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐢𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲|| 𝟐𝟑 𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟔Batay sa pinakahuling weather outlook ngayong Oktubre 23, in...
23/10/2026

𝐁𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐢𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲
|| 𝟐𝟑 𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟔

Batay sa pinakahuling weather outlook ngayong Oktubre 23, inaasahan ang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan sa Bataan dahil sa Bagyong Rosal (Champi). Ayon sa DOST-SINAG, posible ang mahinang ambon sa Balanga City mula Oktubre 24 hanggang 26. Manatiling alerto sa pagbabago ng panahon at iwasang magsagawa ng mga gawaing maaaring maapektuhan ng biglaang pag-ulan o malalakas na hangin. Samantala, paghandaan din ang posibleng epekto ng El Niño, kabilang ang mas mainit at tuyong kondisyon at kakulangan sa tubig.

Samantalahin ang mga panahong angkop ang kondisyon ng panahon upang suriin, linisin, at kumpunihin ang mga makinarya at kagamitang pansaka. Para sa mga palayang papalapit na sa anihan, tiyaking maayos ang kondisyon ng harvester, thresher, dryer, at iba pang postharvest equipment. Ihanda ang mga kinakailangang piyesa at gasolina, at iwasang magpatakbo ng makinarya sa basang lupa o kapag may pagkulog at pagkidlat.

Batay sa cropping calendar ng Balanga City, inaasahang nasa maturity stage na ang ilang palayan, bagama’t maaaring mag-iba ang yugto depende sa petsa ng pagtatanim at aktuwal na kondisyon ng bukid. Regular na suriin ang pagkahinog ng mga uhay at butil, at ihanda ang mga kagamitan sa pag-aani, pagpapatuyo, at ligtas na pag-iimbak ng palay. Iayon ang iskedyul ng anihan sa lagay ng panahon upang mapanatili ang kalidad ng ani at maiwasan ang pagkalugi.

Ayon sa pinakahuling DOST-SINAG Pest & Disease Watch, Very High Risk ang Dirty Panicle, High Risk ang Kernel S**t, at Moderate Risk ang Rice Black Bug, Sheath Blight, Rice Bug, at False S**t. Regular na magmasid sa mga uhay at butil, panatilihing malinis ang sakahan, at bantayan din ang posibleng pinsala mula sa mga ibon at daga. Ipatupad ang Integrated Pest Management (IPM) at iwasan ang hindi kinakailangang pag-spray. Gumamit lamang ng rehistradong pestisidyo kung kinakailangan, alinsunod sa label at rekomendasyon ng Agricultural Extension Worker (AEW). Ang mga risk rating ay gabay sa pagmamanman, hindi awtomatikong batayan para sa pag-spray.

Sa paglalagay ng abono, sundin ang tamang uri, dami, at panahon ng aplikasyon batay sa pangangailangan ng pananim, resulta ng pagsusuri ng lupa, at gabay ng AEW. Iwasang mag-abono bago ang inaasahang pag-ulan upang mabawasan ang pagkawala ng sustansya. Para sa mga palayang malapit nang anihin, tiyaking angkop pa sa yugto ng pananim ang anumang karagdagang aplikasyon, at itago ang mga abono sa tuyo at ligtas na lugar.

Para sa patubig, suriin at linisin ang mga kanal, water inlet, pump, at iba pang pasilidad upang maiwasan ang pagbabara at matiyak ang maayos na daloy ng tubig. Iayon ang distribusyon ng tubig sa pangangailangan ng pananim, lalo na sa mga palayang nasa maturity stage, at iwasan ang sobrang pagbaha sa bukid. Makipag-ugnayan sa NIA, Irrigators’ Associations (IAs), o watermasters para sa koordinasyon sa paggamit ng tubig, lalo na bilang paghahanda sa posibleng kakulangan dulot ng El Niño.

At para naman sa mga alagang hayop at manok, panatilihing malinis, tuyo, maaliwalas, at ligtas ang mga kulungan. Suriin at kumpunihin ang mga bubong, bakod, at drainage upang maiwasan ang pagpasok ng tubig-ulan at pagbaha. Tiyaking may sapat na malinis na inuming tubig at pakain, at regular na bantayan ang mga senyales ng panghihina, stress, o sakit. Isaalang-alang din ang pangangailangan sa lilim at tubig sa harap ng posibleng mas mainit at tuyong kondisyon.

Gayundin, laging suriin at idokumento ang kondisyon ng mga pananim, alagang hayop, makinarya, at iba pang agricultural assets, at tiyaking updated ang PCIC crop at non-crop insurance coverage. Kung may pinsala mula sa pag-ulan, malalakas na hangin, o iba pang panganib, agad makipag-ugnayan sa Agricultural Extension Worker (AEW) o Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para sa assessment at pagsusumite ng Notice of Loss (NL). Sundin ang itinakdang deadline upang hindi maapektuhan ang pagproseso ng claim.

Para sa karagdagang impormasyon at gabay, makipag-ugnayan sa Office of the City Agricultural and Biosystems Engineer (OCABE), City Agriculture Office (CAO), o sa iba pang kaukulang tanggapan.

Maging handa, manatiling mapagmatyag, at sama-sama nating pangalagaan ang agrikultura ng Lungsod ng Balanga.



𝐁𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐢𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲|| 𝟏𝟗 𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟔Matapos ang ilang araw na mainit at maaliwalas na panahon sa...
19/10/2026

𝐁𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐢𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲
|| 𝟏𝟗 𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟔

Matapos ang ilang araw na mainit at maaliwalas na panahon sa Balanga City, inaasahan ngayong Oktubre 19 ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkulog at pagkidlat sa Bataan. Mas mababa ang posibilidad ng pag-ulan sa malaking bahagi ng araw, ngunit maaari itong tumaas pagsapit ng hapon hanggang gabi. Samantalahin ang mga panahong maaliwalas para sa mga gawaing pansaka, habang patuloy na pinaghahandaan ang mas mainit at tuyong kondisyon at posibleng kakulangan sa tubig dulot ng El Niño.

Batay sa cropping calendar ng Balanga City, inaasahang nasa maturity stage na ang ilang palayan, bagama’t maaaring mag-iba ang yugto depende sa petsa ng pagtatanim at aktuwal na kondisyon ng bukid. Regular na suriin ang pagkahinog ng mga uhay at butil, at ihanda ang mga kagamitan sa pag-aani, pagpapatuyo, at ligtas na pag-iimbak ng palay. Iayon ang iskedyul ng anihan sa lagay ng panahon upang mapanatili ang kalidad ng ani at maiwasan ang pagkalugi.

Ayon sa pinakahuling DOST-SINAG Pest & Disease Watch, Very High Risk ang Dirty Panicle, High Risk ang Kernel S**t, at Moderate Risk ang Rice Black Bug, Sheath Blight, Rice Bug, at False S**t. Kaya mahalagang regular na suriin ang mga uhay at butil, panatilihing malinis ang sakahan, at iwasan ang hindi kinakailangang paggamit ng nitrogen fertilizer. Ipatupad ang Integrated Pest Management (IPM) at gumamit lamang ng rehistradong pestisidyo kung kinakailangan, alinsunod sa label at rekomendasyon ng Agricultural Extension Worker (AEW). Ang mga risk rating ay gabay sa pagmamanman, hindi awtomatikong batayan para sa pag-spray.

Sa paglalagay ng abono, sundin ang inirerekomendang uri, dami, at tamang panahon ng aplikasyon batay sa pangangailangan ng pananim, resulta ng pagsusuri ng lupa, at gabay ng AEW. Iwasang mag-abono bago ang posibleng pag-ulan o sa matinding init upang mabawasan ang pagkawala ng sustansya at hindi kinakailangang gastos. Para sa mga palayang malapit nang anihin, tiyaking angkop pa sa yugto ng pananim ang anumang karagdagang abono.

Samantala, tiyaking sapat ang suplay ng tubig para sa mga pananim, lalo na sa mga palayang nangangailangan pa ng patubig bago anihan. Suriin at linisin ang mga kanal, water inlet, pump, at iba pang pasilidad ng irigasyon upang maiwasan ang pagbabara at matiyak ang maayos na daloy ng tubig. Isagawa ang wastong distribusyon ng tubig ayon sa pangangailangan ng pananim, iwasan ang pag-aaksaya, at makipag-ugnayan sa NIA, Irrigators’ Associations (IAs), o watermasters para sa koordinasyon, lalo na sa harap ng posibleng kakulangan sa tubig dulot ng El Niño.

Para sa mga gawaing pansaka, suriin, linisin, at kumpunihin ang mga makinarya at kagamitan. Tiyaking maayos ang kondisyon ng harvester, thresher, dryer, at iba pang postharvest equipment bilang paghahanda sa nalalapit na anihan. Iwasang magpatakbo ng makinarya sa basang lupa o kapag hindi ligtas ang panahon, at tiyaking wasto ang pag-iimbak ng kagamitan at gasolina.

Para naman sa mga alagang hayop at manok, panatilihing maayos ang bentilasyon, sapat ang lilim, malinis ang kulungan, at tuloy-tuloy ang suplay ng malinis na inuming tubig. Samantalahin ang maaliwalas na panahon upang suriin at kumpunihin ang mga kulungan, bubong, bakod, at drainage bilang paghahanda sa posibleng pag-ulan o pagkulog at pagkidlat. Bantayan din ang mga senyales ng heat stress, panghihina, o sakit, at planuhin nang maayos ang suplay ng tubig at pakain.

Dahil mainit at maaliwalas ang mga nakaraang araw, samantalahin din ang pagkakataong suriin at idokumento ang kondisyon ng mga pananim, alagang hayop, makinarya, at iba pang agricultural assets. Tiyaking updated ang PCIC crop at non-crop insurance coverage. Kung may napansing pinsala, makipag-ugnayan agad sa Agricultural Extension Worker (AEW) o Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para sa assessment at pagsusumite ng Notice of Loss (NL) sa loob ng itinakdang deadline.

Para sa karagdagang impormasyon at gabay, makipag-ugnayan sa Office of the City Agricultural and Biosystems Engineer (OCABE), City Agriculture Office (CAO), o sa iba pang kaukulang tanggapan.

Maging handa at sama-sama nating pangalagaan ang agrikultura ng Lungsod ng Balanga.



Address

Bagsakan, Public Market
Balanga
2100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when COB - OCABE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share