12/03/2026
Habang dumarami ang solar at wind sa ating energy mix, may isang mahalagang tanong:
Paano natin sisiguraduhin na kahit pabago-bago ang hangin at sikat ng araw, tuloy-tuloy pa rin ang kuryente?
Sa ilalim ng Department Circular No. DC2026-02-0008, pinalakas ng DOE ang Energy Storage Systems (ESS) Policy upang gawing mandatory ang pag-integrate ng energy storage sa malalaking variable renewable energy (VRE) projects na 10 MW pataas. Kinakailangan na may katumbas na hindi bababa sa 20% storage capacity bilang bahagi ng kanilang development.
✔️ Kapag sobra ang renewable energy, may maiimbak.
✔️ Kapag bumaba ang supply, may huhugutin.
✔️ Mas stable ang boltahe at frequency ng kuryente.
✔️ Mas handa ang grid sa mas mataas na renewable pe*******on.
Isasama ang ESS sa transmission at distribution planning, mula sa grid-connected hanggang sa off-grid areas, para masigurong maaasahan ang suplay kahit saan sa bansa.
Basahin ang kabuuan dito: https://doe.gov.ph/articles/3340048--doe-strengthens-renewable-energy-reliability-through-mandatory-energy-storage-integration-under-updated-ess-policy