28/01/2026
WARNING: LONG POST AHEAD βπ»π
First DTI Registration: November 25, 2015
Opening Date: January 28, 2016
Sampung taon na ang lumipas mula nang magsimula ang ACS Hardware na unang itinayo dahil sa pangangailangan. Ngunit, sa paglipas ng panahon ay naging para sa mas malalim na layunin.
Hindi naging madali ang aming pinagdaanan. Hinarap namin ang maraming pagsubok mula bagyo, baha, pandemya, at maging ang krisis na nagdaan. May mga panahong muntik na kaming sumuko, ngunit pinili naming magpatuloy dahil sa tiwalang ipinagkaloob ninyo sa amin.
Sa loob ng sampung taong ito, ang ACS Hardware ay naging daan upang masuportahan hindi lamang ang aming pamilya, kundi pati na rin ang mga pamilya ng aming mga naging at kasalukuyang empleyado. Kayo ay hindi lamang bahagi ng aming negosyo, kundi bahagi na rin ng aming kwento at tagumpay.
Una sa lahat,taos puso kaming nagpapasalamat sa ating Diyos Ama. Maraming salamat din sa aming mga pamilya sa Sia, Casaman at Zorilla side sa walang sawang pagtulong, gabay, at suporta mula pa noong simula. Malaki ang naging bahagi ninyo sa katatagan ng aming tindahan.
Lubos din naming pinasasalamatan ang aming mga suppliers sa patuloy na pagtitiwala, pakikipagtulungan, at suporta. Dahil sa inyo, patuloy naming naibibigay ang de-kalidad na produkto at serbisyo sa aming mga customers.
Ngayon, ang ACS Hardware ay hindi na lamang isang biyaya, kundi isang magandang layunin para sa kapwa, sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagbibigay tiwala sa amin.
Maraming salamat mga KA-ILIAN, sa pagiging bahagi ng aming sampung taon. Ang tagumpay na ito ay tagumpay nating lahat. Sama-sama tayong magpatuloy pa sa mga susunod pang mga taon. π§‘ππΌ
Lubos na nagpapasalamat,
J*p Sia and Family