24/10/2025
May magandang balita para sa mga barangay at bayan na nagsisilbing tahanan ng mga power plant at energy facilities sa bansa!
Simula Enero 2026, mas malaki ang matatanggap na benepisyo ng mga komunidad mula sa programang ER 1-94 ng Department of Energy (DOE). Mula sa ₱0.01 kada kilowatt-hour, magiging ₱0.03 na ito — dagdag suporta para sa kabuhayan, kalikasan, kalusugan at edukasyon sa mga lugar na kumakanlong sa energy projects.
Utos mismo ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking walang maiiwan at lahat ay makikinabang sa pag-unlad ng sektor ng enerhiya. Ang DOE, sa pamumuno ni Secretary Sharon Garin, ang nagsakatuparan nito sa tulong ng isang direktibang makatao, makatarungan, at maka-enerhiya.
Ibig sabihin, kung may power plant sa inyong lugar, mas malaki na ang maibabalik sa inyong komunidad: mas maraming kabahayan ang magkakailaw, mas maraming kabataan ang makakapasok sa paaralan, at mas maraming pamilya ang magkakaroon ng hanapbuhay.
Dahil kung kayo ay isa sa mga tulay na nagdadala ng ilaw sa buong bansa, nararapat lang na ang pag-unlad ay magsimula rin sa inyo.
Basahin ito: https://doe.gov.ph/articles/3119524--doe-increased-five-fold-benefit-for-energy-hosting-communities-under-er-1-94-program