26/08/2025
Bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pabilisin at pasimplehin ang serbisyo para sa taumbayan, nagpulong ang Department of Energy (DOE) at iba pang ahensya ng pamahalaan upang ayusin at pabilisin ang proseso ng Net Metering Program.
Sa repormang ito, mas maraming pamilyang Pilipino ang makakabawas sa bayarin sa kuryente at maaaring kumita mula sa sariling produksiyon ng malinis na enerhiya. Hindi na hahadlangan ng red tape ang mga nais maging “prosumers” o parehong konsumer at tagapag-produce ng kuryente.
Basahin dito ang buong detalye: https://doe.gov.ph/articles/2922793--from-consumers-to-prosumers-doe-agencies-unite-to-streamline-net-metering-program