Councilor Karlos Reyna

Councilor Karlos Reyna Official page of ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น๐—ผ๐—ฟ ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฟ. ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—น๐—ผ๐˜€ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ผ ๐—˜. ๐—ฅ๐—ฒ๐˜†๐—ป๐—ฎ ๐—œ๐—ฉ.

๐—˜๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฏ๐˜† ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ณ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป, ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป๐˜ ๐—ฏ๐˜† ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป. #๐˜ฝ๐™–๐™จ๐™ฉ๐™– ๐™ ๐™–๐™ฎ ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ, ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ฆ!

๐˜ฝ๐™–๐™ก๐™—๐™–๐™ก๐™š๐™œ ๐™ฎ๐™– ๐™Ž๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฉ ๐™š๐™™ ๐™จ๐™ž๐™ ๐™–๐™ฎ๐™ค, ๐˜ผ๐™ฃ๐™–๐™ ๐™ค!Ito ang mga salitang madalas nating marinig sa bawat relief operation, lalo na mula...
10/09/2026

๐˜ฝ๐™–๐™ก๐™—๐™–๐™ก๐™š๐™œ ๐™ฎ๐™– ๐™Ž๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฉ ๐™š๐™™ ๐™จ๐™ž๐™ ๐™–๐™ฎ๐™ค, ๐˜ผ๐™ฃ๐™–๐™ ๐™ค!

Ito ang mga salitang madalas nating marinig sa bawat relief operation, lalo na mula sa ating mga Lolo at Lola na personal nating napupuntahan. Simple man ang kanilang mga salita, pero sapat na para mapawi ang pagod at mapalitan ito ng saya. Higit sa relief goods, mahalaga rin sa atin ang pagkakataong makumusta, makinig, at makasama kahit saglit ang bawat Dagupeรฑo.

Sa tulong ng DSWD, nakapaghatid tayo ng relief food packs sa 1,485 pamilya sa Poblacion Oeste, 965 pamilya sa Barangay 2 & 3, 780 pamilya sa Pogo Chico, 232 pamilya sa Lucao, 130 pamilya sa Calmay, at 270 pamilya sa Carael.

Maraming Salamat po kay Mayor Belen T. Fernandez, kay Vice Mayor Dean Bryan โ€œBKโ€ Kua, sa ating mga City Councilors, at sa lahat ng bumubuo sa ating City Government sa patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan para sa ating mga kababayan.

Taos puso rin ang aming pasasalamat sa DSWD, ating mga health workers, barangay officials, volunteers, responders, at lahat ng walang pagod na tumutulong sa bawat relief operation. Kayo ang mga taong patuloy na kumikilos upang masigurong makarating ang tulong sa mga pamilyang nangangailangan.

Ngunit higit sa lahat, Maraming Salamat sa bawat Dagupeรฑo. Dahil ang bawat relief food pack na ating naihahatid ay nagmumula sa pondong pinagtutulungan nating lahat mula sa buwis ng bawat mamamayan. Kaya ang bawat tulong na naipapamahagi ay tunay na tulong ng buong Dagupan para sa kapwa Dagupeรฑo.

At habang patuloy ang ating pagbangon, lagi po tayong mag-ingat. May mga bahagi pa rin ng ating lungsod na nakakaranas ng pagbaha. Manatiling alerto, makinig sa mga abiso ng ating mga awtoridad, at higit sa lahat, unahin ang kaligtasan ng ating pamilya.

Sa panahon ng pagsubok, mas nakikita natin ang tunay na diwa ng Bayanihan. Sama-sama. Tulong-tulong. Walang iwanan. Para sa bawat Dagupeรฑo. โค๏ธ

๐™ƒ๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™ฎ ๐˜ฝ๐™ž๐™ง๐™ฉ๐™๐™™๐™–๐™ฎ, ๐™…๐™ช๐™จ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™š ๐™ˆ๐™š๐™ฃ๐™™๐™ค๐™ฏ๐™–.Isang masigla at committed na youth leader ng Brgy. Salisay! Nawaโ€™y patuloy kang maging ...
09/09/2026

๐™ƒ๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™ฎ ๐˜ฝ๐™ž๐™ง๐™ฉ๐™๐™™๐™–๐™ฎ, ๐™…๐™ช๐™จ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™š ๐™ˆ๐™š๐™ฃ๐™™๐™ค๐™ฏ๐™–.

Isang masigla at committed na youth leader ng Brgy. Salisay! Nawaโ€™y patuloy kang maging inspirasyon sa ating mga kabataan at gamitin ang iyong talento, oras, at lakas para sa ikabubuti ng ating komunidad. Keep leading, keep inspiring, and keep making a difference!

Enjoy your special day, Justine! More blessings, success, and meaningful opportunities ahead. God bless you always! โœจ

๐™ƒ๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™ฎ ๐˜ฝ๐™ž๐™ง๐™ฉ๐™๐™™๐™–๐™ฎ, ๐™†๐™ช๐™ข๐™ฅ๐™–๐™ง๐™š ๐˜พ๐™๐™–๐™ง๐™ก๐™š๐™จ ๐™๐™ช๐™ฃ๐™™๐™–๐™ฃ!Sana maging extra special ang araw na ito para saโ€™yo. Wishing you good health, pe...
08/09/2026

๐™ƒ๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™ฎ ๐˜ฝ๐™ž๐™ง๐™ฉ๐™๐™™๐™–๐™ฎ, ๐™†๐™ช๐™ข๐™ฅ๐™–๐™ง๐™š ๐˜พ๐™๐™–๐™ง๐™ก๐™š๐™จ ๐™๐™ช๐™ฃ๐™™๐™–๐™ฃ!

Sana maging extra special ang araw na ito para saโ€™yo. Wishing you good health, peace, happiness, and more blessings for you and your family.

Salamat sa samahan, Kumpare! Here's to more years of friendship, laughter, and beautiful memories together. Enjoy your day and God bless always! โค๏ธ

๐™ƒ๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™ฎ ๐˜ฝ๐™ž๐™ง๐™ฉ๐™ ๐˜ฟ๐™–๐™ฎ, ๐˜พ๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™˜๐™ž๐™ก๐™ค๐™ง ๐™†๐™–๐™ง๐™ก๐™ค๐™จ ๐™๐™š๐™ฎ๐™ฃ๐™–!Sa espesyal na araw na ito, ang buong Team Karlos AYOS, at mga Dagupeรฑos ay nagk...
03/09/2026

๐™ƒ๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™ฎ ๐˜ฝ๐™ž๐™ง๐™ฉ๐™ ๐˜ฟ๐™–๐™ฎ, ๐˜พ๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™˜๐™ž๐™ก๐™ค๐™ง ๐™†๐™–๐™ง๐™ก๐™ค๐™จ ๐™๐™š๐™ฎ๐™ฃ๐™–!

Sa espesyal na araw na ito, ang buong Team Karlos AYOS, at mga Dagupeรฑos ay nagkakaisang bumabati saโ€™yo ng isang maligayang kaarawan!

Maraming Salamat sa iyong sipag, malasakit, at dedikasyon sa paglilingkod. Sa bawat araw na patuloy kang nagseserbisyo, dala mo ang puso para sa mga Dagupeรฑo at ang hangaring maging mas maayos at mas mabuting lugar ang ating lungsod.

Nawaโ€™y pagpalain ka pa ng Diyos ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas, kaligayahan, at mas marami pang biyaya. Sanaโ€™y patuloy kang maging inspirasyon sa marami at manatiling matatag sa pagtupad sa iyong tungkulin.

Sa lahat ng panahong kasama ka namin sa serbisyo, proud kami na maging bahagi ng iyong journey. At higit sa lahat, nagpapasalamat kami sa pagkakataong makapaglingkod kasama mo para sa ating minamahal na Dagupan.

Maligayang Kaarawan, Konsi Karlos! ๐Ÿฅณ
Mula sa Team Karlos AYOS at mga Dagupeรฑo, Maraming pagmamahal, suporta, at pasasalamat para saโ€™yo!

BASTA KARLOS, AYOS!๐Ÿซก

๐™Ž๐™– ๐˜ฝ๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™‹๐™–๐™œ๐™ค๐™™, ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ข๐™—๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™‹๐™–๐™œ๐™จ๐™ช๐™—๐™ค๐™ , ๐™๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™œ๐™ž๐™œ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™จ๐™–โ€™๐™ฉ ๐™„๐™จ๐™–.Sa bawat bahay na ating napupuntahan, may ...
01/09/2026

๐™Ž๐™– ๐˜ฝ๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™‹๐™–๐™œ๐™ค๐™™, ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ข๐™—๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™‹๐™–๐™œ๐™จ๐™ช๐™—๐™ค๐™ , ๐™๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™œ๐™ž๐™œ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™จ๐™–โ€™๐™ฉ ๐™„๐™จ๐™–.

Sa bawat bahay na ating napupuntahan, may kwento ng pagod, pangamba, at pagsubok. Kaya hanggaโ€™t may nangangailangan, patuloy tayong lalapit, makikinig, at tutulong.

Ngayong araw, Setyembre 1, nakarating ang family food packs mula sa DSWD sa ating mga kababayan sa Brgy. Lasip Chico at Brgy. Pogo Grande, sa pangunguna ni Secretary Rex Gatchalian at DSWD Region I Director Marie Angela S. Gopalan, CESO III.

Kasabay din nito ang pamamahagi ng Strepsils bilang dagdag na tulong sa pangangalaga sa kalusugan ng ating mga kababayan.

Maraming Salamat po sa lahat ng naging katuwang natin sa DSWD Angels in Red Vests, ating mga barangay officials at volunteers, CDRRMO, DCPO, BFP, at sa buong team na patuloy na kumikilos para makarating ang tulong sa mga nangangailangan.

Hindi man natin kayang alisin agad ang lahat ng pagsubok, kaya nating iparamdam sa bawat Dagupeno na hindi sila nag-iisa.

Sa ating mga kababayan, patuloy po tayong mag-ingat. Iwasan muna ang mga lugar na delikado at manatiling updated sa mga abiso ng ating lokal na pamahalaan.

At sa ating mga estudyante, wala pa ring pasok bukas, September 2. Gamitin natin ang araw na ito para manatili sa ligtas na lugar at alagaan ang ating sarili at pamilya.

Sa panahon ng unos, bayanihan ang ating lakas at malasakit ang ating sandigan.

Para sa Dagupeno. Para sa bawat pamilya. Para sa ating Dagupan.

Basta KARLOS, AYOS! โค๏ธ

๐™ƒ๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™ฎ ๐˜พ๐™๐™ง๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™š๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™œ & ๐Ÿญ๐™จ๐™ฉ ๐˜ฝ๐™ž๐™ง๐™ฉ๐™๐™™๐™–๐™ฎ, ๐™„๐™ฃ๐™–๐™–๐™ฃ๐™–๐™  ๐™ˆ๐™ž๐™–๐™ฃ๐™– ๐™†๐™๐™ฎ๐™ก๐™ž๐™š!Isang napaka special na araw para saโ€™yo, Miana Khylie! Dalawang m...
01/09/2026

๐™ƒ๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™ฎ ๐˜พ๐™๐™ง๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™š๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™œ & ๐Ÿญ๐™จ๐™ฉ ๐˜ฝ๐™ž๐™ง๐™ฉ๐™๐™™๐™–๐™ฎ, ๐™„๐™ฃ๐™–๐™–๐™ฃ๐™–๐™  ๐™ˆ๐™ž๐™–๐™ฃ๐™– ๐™†๐™๐™ฎ๐™ก๐™ž๐™š!

Isang napaka special na araw para saโ€™yo, Miana Khylie! Dalawang milestone ang ating ipinagdiriwang ang iyong unang kaarawan at ang iyong Christening.

Nawaโ€™y lumaki kang mabait, masayahin, healthy, at puno ng pagmamahal. May God always guide you as you grow and surround you with people who will love, protect, and support you every step of the way.

Enjoy your special day, inaanak! ๐ŸŽ‰ Always remember na may Ninong Karlos na laging nakiki-celebrate sa bawat blessing at milestone mo. ๐Ÿฅฐ

God Bess you always! โค๏ธ

โ€œ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™ฉ ๐™–๐™ฎ ๐™œ๐™ช๐™ข๐™–๐™œ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™ ๐™–๐™ฅ๐™–๐™œ ๐™ข๐™–๐™ง๐™–๐™ข๐™ž ๐™ฉ๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™ช๐™ข๐™–๐™ฅ๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ.โ€Sa bawat Dagupeno na napapagod, nangangamba, o dumaraan sa mabig...
31/08/2026

โ€œ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™ฉ ๐™–๐™ฎ ๐™œ๐™ช๐™ข๐™–๐™œ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™ ๐™–๐™ฅ๐™–๐™œ ๐™ข๐™–๐™ง๐™–๐™ข๐™ž ๐™ฉ๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™ช๐™ข๐™–๐™ฅ๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ.โ€

Sa bawat Dagupeno na napapagod, nangangamba, o dumaraan sa mabigat na pagsubokโ€”hindi ka nag-iisa.

Alam nating hindi madaling harapin ang bawat unos. May mga pamilyang kailangang bumangon, may mga pangarap na kailangang ipagpatuloy, at may mga pusong tahimik na lumalaban araw-araw. Kaya sa mga panahong mabigat ang lahat, sanaโ€™y piliin nating maging dahilan para kahit kaunti, gumaan ang pinagdaraanan ng isaโ€™t isa.

Dahil ang tunay na malasakit ay hindi lamang salita. Ito ay pagdamay, pagkilos, at pagiging present kapag higit na kailangan.

At bilang mga lingkod ng bayan, may pananagutan tayong siguraduhing ang bawat tulong ay makarating sa nangangailangan, ang bawat aksyon ay may malasakit, at ang bawat desisyon ay para sa kapakanan ng ating mga kababayan.

Sa hirap, hindi tayo nag-iiwanan. Sa unos, hindi tayo nagkakanya-kanya. At sa pagbangon, sama-sama nating haharapin ang bukas.

Kapit lang, mga Dagupeno. May mga taong handang makinig, umalalay, at tumulong. Dahil kapag may malasakit ang bawat isa, walang problemang kailangang pasanin nang mag-isa.

Basta KARLOS, AYOS!๐Ÿค

29/08/2026

๐™„โ€™๐™ก๐™ก ๐™—๐™š ๐™ฉ๐™๐™š๐™ง๐™š.

Hindi man kayang tumbasan ng isang relief pack ang lahat ng pinagdaanan ninyo, sana kahit kaunti ay makatulong ito at maipadama na may malasakit sa inyo.

Sa bawat tahanang naapektuhan, sa bawat pamilyang nangangailangan, at sa bawat barangay na nangangailangan ng tulong hindi kami lalayo.

Dahil ang tunay na serbisyo ay hindi lang nasa harap ng camera. Nasa pagpunta, pakikinig, pagdamay, at pagkilos.

Mag-ingat po tayong lahat. Sama-sama nating malalampasan ito. Basta KARLOS, AYOS!๐Ÿค

๐™Ž๐™– ๐™—๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™ ๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™ฉ๐™ช๐™ข๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ, ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ฅ๐™ช๐™จ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™—๐™ž๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ-๐™–๐™จ๐™–.3,455 Pamilya sa 3 Barangay, Nakatanggap ng DSWD Food pac...
29/08/2026

๐™Ž๐™– ๐™—๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™ ๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™ฉ๐™ช๐™ข๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ, ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ฅ๐™ช๐™จ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™—๐™ž๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ-๐™–๐™จ๐™–.

3,455 Pamilya sa 3 Barangay, Nakatanggap ng DSWD Food packs. Patuloy po ang pag-abot ng tulong sa ating mga kabaleyan na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at Habagat.

๐Ÿ“ 1,700 PAMILYA โ€” BRGY. TAPUAC
๐Ÿ“ 1,400 PAMILYA โ€” BRGY. TEBENG
๐Ÿ“ 355 PAMILYA โ€” BRGY. BONUAN GUESET

Para sa akin, ang serbisyo ay hindi lang tungkol sa salita kailangan itong maramdaman, lalo na sa panahon ng pangangailangan.

Maraming Salamat kay Mayor Belen T. Fernandez sa patuloy na suporta at koordinasyon, kasama ang ating Vice Mayor, mga kapwa Councilors, DSWD Angels in Red Vests, CDRRMO, DCPO, BFP, at mga Barangay Council.

Balbaleg ya Salamat, DSWD Secretary Rex Gatchalian at DSWD Region I Director Marie Angela S. Gopalan, CESO III, sa mabilis na pagtugon at patuloy na suporta para sa ating mga kabaleyan.

Kabaleyan, mag-ingat tayo palagi. Patuloy nating bantayan ang isaโ€™t isa at maging alerto sa lagay ng panahon.

Basta KARLOS, AYOS!๐Ÿซก

Address

Dagupan City
2400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Councilor Karlos Reyna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share