04/01/2026
https://www.facebook.com/share/1CCfy5BfoN/
Ikalulugi ng negosyo mo
ang sobrang pagiging mabait.
Hindi dahil masama ang pagiging mabait.
Hindi rin dahil mali ang tumulong.
Ang problema,
kapag ang kabaitan mo
wala nang boundaries.
Gusto mo lang naman ng maayos na samahan.
Ayaw mong may mainis.
Ayaw mong masabihang mahigpit.
Kaya kapag may sablay,
pinapalampas.
Kapag may hindi natapos,
ikaw na lang ang sasalo.
At sa una,
akala mo nakakatulong ka.
But over time,
may unti-unting nasisira.
Nawawala ang takot magkamali.
Lumuluwag ang disiplina.
Bumababa ang standards.
Hindi dahil masama ang team mo.
Kundi dahil malinaw ang natututunan nila:
“May sasalo naman.”
And when that becomes the system,
ikaw ang unang napapagod.
Ikaw ang laging nag-aadjust.
Ikaw ang nauubos.
Sa negosyo,
Kindness without structure
becomes permission.
Permission para sumobra.
Permission para hindi managot.
Permission para mawalan ng disiplina.
Permission para abusuhin ka.
Hindi mo kailangang maging harsh
para maging leader.
Pero kailangan mong maging clear.
May puso,
pero may sistema.
Because discipline
is not the absence of care.
It’s what keeps the business alive
and the team accountable.
💡 EDTF Reminder:
📌 Kabaitan na walang boundaries, nagiging problema.
📌 Boundaries bring clarity, not distance.
📌 Hindi ka masamang leader dahil marunong kang magtuwid.