29/05/2024
TIGER GAZ - SAFETIPID TIPS👌
SAFE at TIPID sa paggamit ng LPG!🩷
“T I G E R T I P”
T - imbang
Siguraduhing sakto sa timbang ang inyong LPG. May DOE approved weighing scale ang TIGER GAZ®️.
Malalaman ang timbang ng laman ng tangke kung ibabawas sa kabuuang timbang ang “tare weight” or bigat ng walang laman na tangke.
I - tayo ng tama ang tangke ng LPG
Itayo palagi ang tangke ng LPG sa isang flat na lugar upang maiwasan ang pagsingaw ng gas. Ang kalan ay dapat langing nasa itaas na level kumapara sa tangke ng LPG.
G - awin ligtas sa apoy o init ang inyong LPG
Ilayo sa anumang “flammable” na bagay ang iyong LPG. Ilayo din ito sa araw, ulan, alikabok at anumang init.
E - ksaminin mabuti ang lugar ng paglalagyan ng tangke
Ilagay sa lugar na may sapat na bentilasyon o lugar na nakakahinga ng LPG. Pinakaligtas ito sa labas ng bahay.
R - egulator, valve at hose maintenance
Siguraduhin walang “crack” ang inyong mga tubes at hose. Palitan ito isang beses kada dalawang taon. Maaring icheck kung may leak sa cylinder valve sa pamamagitan ng “soap bubble test”. Kapag nagkabula, ang ibig sabihin nito ay may leak ang iyong hose o regulator.
T - awagan ang Tiger Gaz hotline para sa tulong kapag may leak ang LPG
Buksan ang mga pinto at bintana, ilagay ang tangke ng LPG sa open area at isarado ang LPG valve kung kaya. Iwasan magbukas ng anumang electrical equipment sa bahay. Huwag magbukas ng kalan o magsindi ng apoy, posporo, atbp.
I - sarado ang cylinder valve bago matulog o bago umalis ng bahay
Siguraduhing husto ang pagsara at pagbukas ng valve upang maiwasan ang pagsingaw ng inyong LPG. Isarado din ang valve at regulator kung ito ay hindi ginagamit.
P - anatilihin malinis ang inyong mga burner, kaldero at kawali
Ang maruming burner ay maglalabas ng yellow flame na masmahina magpainit. Gayundin ang maruming kaldero at kawali ay mas matagal magpainit ng niluluto. Sa parehong sitwasyon ay masmaraning LPG na masasayang.
“source DOE informational material on LPG safety tips”